^

PSN Opinyon

Sa pelikula na rin ang isyu

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SUMUNOD na rin ang Pilipinas sa ibang bansa na ipagbawal ang pagpapalabas ng pelikulang “Abominable”. May eksena kung saan may mapa ng Southeast Asia na kitang-kita ang “Nine-Dash Line” ng China na batayan para angkinin ang halos buong karagatan.

Nagdesis­yon na ang MTRCB na ipagbawal ang pagpapalabas sa lahat ng sinehan sa bansa. Unang umalma ang Malaysia at Vietnam dahil sa nasabing mapa. Katunggali rin ng China ang dalawang bansa hinggil sa teritoryo sa karagatan. Nahuli tayo dahil nga sa pagiging malapit ng administrasyon sa China. Pero dahil sa malawakang pagbatikos sa nasabing eksena, hinatak na mula sa mga sinehan. Kasuklam-suklam ang salin sa Filipino ng salitang “abominable”.

Kasosyo ang kompanyang Pearl Studio mula China sa pelikula kaya siguro sila ang nagpilit na isama ang imahe ng mapa sa pelikula. Sigurado hindi iyan ang huling beses na gagawin ito, dahil pinasukan na rin ng mga kumpanyang pelikula mula China ang Hollywood. Marami nang pelikula ang may kasosyong Chinese studio.

Wala namang kontrol ang bansa kundi magdesisyon kung ipa­lalabas sa mga sinehan o hindi. Pero tama ang desisyon ng MTRCB sa “Abominable”. Taliwas ang imahe sa desis­yon ng UN Permanent Court of Arbitration na isinasan­tabi naman ng administrasyon. Nangako naman si acting Chief Justice Antonio Carpio na kapag nagretiro na rin ay ipagpapatuloy ang laban sa pag-aangkin ng ating nararapat na teritoryo sa South China Sea. Iba rin si acting Chief Justice Carpio.

Natatandaan ko sa passport ng China ay nakalagay rin ang Nine-Dash-Line para igiit ang kanilang pag-aangkin ng buong karagatan. Pinrotesta ang nasabing mapa pero wala ring epekto sa China. Mababawasan ang kita ng pelikulang “Abominable” pero iilan lang namang bansa ang minabuting tanggalin na sa mga sinehan.

Sa mga pelikula na rin nadala ang isyu ng teritoryo sa South China Sea. Gumaya naman kaya ang mga pelikulang Pilipino kung saan igigiit na sa atin ang Panatag Shoal, Recto Bank, Ayungin Shoal at Pagasa Island? Mag-shooting kaya sa Pag-asa o sa BRP Sierra Madre? Baka ang Palasyo naman ang kumilos at pigilin ang ganyang plano para huwag galitin ang China.

ABOMINABLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with