^

PSN Opinyon

Nag-commute si Panelo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TINANGGAP ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hamon na mag-commute upang ipakita na kahit ma­taas siyang tao sa lipunan ay kaya pa rin niyang sumakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Panelo, 25 minuto siyang naghintay ng dyipni sa Balete St., New Manila at dakong 5:15 ng umaga ay nakasakay siya ng dyipni patu­ngong Concepcion, Marikina.

Matapos iyon, sumakay uli siya ng dyipni na patungong Cubao, Quezon Ciy. Tinangka umano niyang sumakay ng LRT na patungong Legarda station subalit hindi natuloy dahil dinumog siya ng media para interbyuhin. Sumakay muli siya ng dyipni patungong Mendiola.

Tinanong umano siya ng mga militante habang nasa dyipni kung ano ang naramdaman sa paglalakbay.

Sagot niya wala naman nagbago sa kanyang mga naranasan noon dahil pampublikong sasakyan din naman ang kanilang gina­gamit ng kanyang asawa sa pagpasok sa trabaho.

Ang pagkakaiba lamang umano ay napakarami ng mga sasak­yan at maraming pasahero na nag-aabang ng masasak­yan.

Alas otso umano siya nakarating sa Mendiola.

Ang pinakahuli niyang sinakyan ay ang motorsiklo ni Ronald Rosales na naghatid sa kanya sa Malacañang.

Eksaktong 8:46 a.m. siya dumating sa opisina. Nagpa-presscon siya ng 11:00 a.m. at inilahad ang karanasan.

Ang tanong, may aral kaya ang kanyang karanasan upang mapakilos ang mga opisyales ng pamahalaan na masolusyunan ang paghihirap ng commuters. Sabi niya sa media, walang krisis sa transportation. Ang krisis umano ay trapik. Kailangan umanong bawasan ang mga sasak­yan kaya ang tatamaan dito ay mga luma.

Sa hapon naman kaya subukan ni Panelo na sumakay ng jeepney. Nasubukan niya na mag-commute sa umaga at kinaya niya dahil maluwag pa ang mga kalye. Sa hapon, tiyak makikipagbuno siya sa pagsakay. Tama naman ang sinabi na dapat na agahan ang pagpasok para hindi ma-late sa trabaho. Subalit ilang oras na lamang ang itinutulog ng mga trabahador dahil gabi na sila nakakarating sa kanilang mga tahanan.

PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with