^

PSN Opinyon

PR, advertising expert George Balagtas, 77

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sumakabilang-buhay na ang public relations at advertising expert na si George M. Balagtas noong Biyernes sa edad na 77.

Kilala sa tawag na GMB ng kanyang mga kaibigan, siya ay dating pangulo ng ilang advertising agencies, tulad ng Bozell Worldwide, Inc. at PACT/Public Affairs Communicators, Inc. at naging vice chairman ng McCann Erickson (Philippines), Inc.

Tumayo rin si George bilang managing director ng BBDO Colombo sa Sri Lanka, Grafik McCann Advertising Ltd. sa Indonesia, Reklamen-Hus McCann sa Norway at Grant Advertising Worldwide (Philippines), Inc.

Nagtrabaho rin siya bilang Advertising & Promotions Director ng Philippine Airlines Inc. at Account Supervisor ng J. Walter Thompson (Philippines), Inc.

Matapos ang mahabang karera sa advertising, pinasok ni Balagtas ang public relations, at itinatag ang kumpanyang GMB Public Relations. Nagsilbi rin siya bilang consultant sa ilang malalaking pangalan sa pulitika, tulad nina dating Pangulong Joseph Estrada, chairman Danding Cojuangco at marami pang iba.

Nagtapos si Balagtas ng kursong Bachelor of Arts in Economics at Masters in Business Administration sa Ateneo de Manila University.

Nakaburol ang kanyang mga labi sa Center Chapel, St. Jerome Parish, Commerce Avenue, Alabang, Muntinlupa City. Maaaring dumalaw mula Aug 20-22 mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-dose ng hatinggabi.

Naulila niya ang asawang si Raquel; mga anak na sina Jet & Ria, Yuri & Amor, Gam-B & E.de, Rallee & Brittany; at mga apo na sina Joshua, Rapho, Phonso, Daniela, Julio, Kato, Santi, Gabby, Gino, Marz at apo sa tuhod na si Kalisi.

Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center

BALAK baguhin ni Dr. Ted Martin, ang bagong talagang director ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center d’yan sa Tondo, Manila, ang mga diumano’y mga maling patakaran na ginawa ng dating administrasyon sa ospital.

Ano kaya iyon?

Sagot - Ang mga kapalpakan diumano sa pag-aruga sa mga mahihirap na pasyente rito.

Ang muling pagbangon ng nasabing ospital ay nakasalalay sa kamay ni Dr. Martin kasama ang mga hospital employees dito dahil ang ginawa nito sa Jose Abad Santos Hospital ay hindi kayang tumbasan ng salapi.

Sabi nga, maayos, maganda at makatao ang mga alipores niya roon!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nadiskubre na ang karamihan sa mga hospital employees ay hindi pumapasok sa kanilang duty at kung pumasok man ay mabilis itong umaalis at hindi na bumabalik?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga sumbungero, may malaking pondo ng ospital ang naglahong parang bula na lihim na binubusisi ngayon.

Kambiyo issue, sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan makalkal din ang PhilHealth sharing at dialysis funds? Take note, Manila Mayor Isko Moreno your Honor!

Abangan.

GEORGE BALAGTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with