^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang gamitin ang Dengvaxia vaccine

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag nang gamitin  ang Dengvaxia vaccine

PAKIKINGGAN umano ni President Duterte ang anumang magiging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) kung ipasyang ibalik ang Dengvaxia vaccine bilang solusyon sa dengue outbreak. Nakasalalay sa rekomendasyon ng DOH ang magiging pasya ng Presidente kaugnay sa paggamit muli ng Dengvaxia. Pero sabi ng DOH, malabong gamitin muli ang Dengvaxia sapagkat binawi nang permanente ang certificate of product registration dahil sa hindi pag-comply sa regulatory requirements. Hindi na gagamitin kahit kailan ang kontrobersiyal na Dengvaxia.

Tama lang ang DOH na huwag nang gamitin muli ang bakuna na nagbigay ng takot sa mga magulang ng mga batang nabakunahan noong 2016. Magandang desisyon ang ginawa ng DOH sapagkat kung ibabalik ang Dengvaxia, maaaring magkaroon muli ng panibagong problema o baka mas mabigat pa. Hindi na kakayanin pa ang panibagong problema na idudulot ng Dengvaxia.

Sa halip na gamitin ang Dengvaxia, hikayatin na lamang ang mamamayan na maglinis ng kapaligiran para walang mabuhay na lamok na nagdudulot ng dengue. Ang kalinisan ang epektibong paraan para makaiwas sa dengue. Wasakin ang mga posibleng pangitlugan ng lamok. Kung ibabalik ang Dengvaxia, gaano kasiguro na ang babakunahan ay nagka-dengue na. Paano kung hindi pa pala?

Nagkaroon ng dengue immunization noong Abril 2016 at nasa 800 school children mula sa National Capital Region, Central Luzon at Region 4 ang nabakunahan. Ang Dengvaxia ay binili ng pamahalaang Aquino sa halagang P3.5 bilyon sa Sanofi Pasteur isang kompanya sa France. Pero noong Nobyembre 2017, sinabi ng Sanofi na magkakaroon ng severe dengue ang sinumang nabakunahan na hindi pa nagkaka-dengue. Ang Dengvaxia ay para lamang umano sa nagka-dengue na.

Ayon sa report, may mga batang namatay at iniuugnay ito sa Dengvaxia. Sa pagsusuri sa mga namatay na bata, nagkaroon ng pagdurugo sa internal organ, paglaki ng puso at atay at iba pang sakit na ayon sa mga magulang ay lumutang makaraang mabakunahan ng Dengvaxia. Sabi pa ng ilang magulang, hindi raw nila alam na nabakunahan ang kanilang anak habang nasa eskuwelahan. Pinapila umano ang mga ito at binakunahan.

Manindigan ang DOH. Huwag nang ibalik ang Dengvaxia. Tama na ang nilikha nitong problema!

DENGVAXIA VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with