^

PSN Opinyon

Malalang problema

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA wakas, mukhang matutuloy na ang pagbalik ng tone-toneladang basura sa Canada. Kaya? Ilang taon na rin itong hindi maaksyunan, dahil­ sa kung anu-anong dahilan. Hindi tinanggap ni President Duterte ang plano ng Canada na kunin ang mga basura sa katapusan ng Hunyo, kaya inaaksyunan na umano.

Pero hindi lang Canada ang nagtatapon ng basura sa bansa. May mga dumating na basura mula Australia at Hong Kong kamakailan. Ano kaya ang naiisip ng mga bansang iyan at naka­pagpapadala sila ng basura sa atin? At sino naman ang tumatanggap ng basura?

Ang alam ko bawal ang magpadala ng basura ang anumang bansa, sa kahit saan sa mundo, maliban na lang kung talagang hinihingi para magamit sa recycling. Ang problema ang itinatapon na basura sa atin ay hindi rin ma-recycle. Dapat imbestigahan din kung sino ang mga tuma­tanggap sa bansa, pati na rin mga tauhan ng Bureau of Customs, kung saan unang ibinabagsak ang basura. 

Malala na siguro ang sitwasyon ng basura sa buong mundo. Baka wala nang mapagtapunan, kaya sinusubukang ipadala kung saan-saan. Kaya mahalaga na pag-aralan ng gobyerno kung ano ang puwedeng gawin sa basura. Dapat may mga recycling plants na tayo para magamit muli ang napakaraming plastik na basura. Pati ang mga papel na tinatapon lang kapag hindi na kailangan. Sa Denmark, ginagamit ang partikular na basura para lumikha ng kuryente. Kung bakit hindi na lang dito ipadala ang mga basura.

Pag-aralan ang sistema ng Denmark, at kung magagawa sa bansa ay baka dito puwedeng tumulong ang pautang ng ibang bansa, tulad ng China na gustung-gusto namang lapitan ng administrasyon, para maipatupad. Isipin na lang na ang tone-toneladang basura na nahahakot mula sa Manila Bay ay magagamit para gumawa ng kuryente. Ilang barangay ang puwedeng ma­kinabang sa ganyang sistema.   

CANADA TRASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with