^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan matututo sa trahedya?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailan matututo  sa trahedya?

MARAMI nang nangyaring pagguho ng lupa sa Pilipinas na ikinamatay nang maraming tao. Ilan dito ay ang pagguho ng lupa sa Cherry Hills Subdivision sa Antipolo City noong Agosto 3, 1999 na ikinamatay ng 60 tao. Tinatayang 378 na bahay ang natabunan ng lupa. Nangyari ang pagguho pag­ka­raan ang malakas na pag-ulan. Sinisisi ang quarrying­ operations sa kalapit na lugar.

Naguho rin ang isang bundok sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte noong umaga ng Peb. 17, 2006 na ikinamatay ng 1,100 tao. Buong barangay ang natabunan ng putik at mga bato. Isang elementary school na kasalukuyang nagka­klase ang natabunan at nalibing nang buhay, ang mga bata at guro. Nangyari ang trahedya makaraan ang malakas na pag-ulan at lindol. Isinisisi sa illegal logging at pagmimina ang pagguho ng bundok.

At ngayon, nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet at Naga City, Cebu. Umaabot na sa 59 ang namatay sa Itogon nang maguho ang lupa sa gilid ng bundok na minimina at tinabunan ang mga bahay ng minero habang nananalasa ang Bagyong Ompong noong Setyembre 15. Ang malakas na ulan ang dahilan nang pagguho at siyempre pa ang pagmimina. Hanggang sa kasaluyan, patuloy pa ang paghahanap sa 40 pang nawawala.

Limang araw makaraaan ang trahedya sa Itogon, nagkaroon ng landslide sa isang bundok sa Naga City na ikinamatay ng 35 tao at ikinasugat ng 15. Patuloy pang hinahanap ang 44, ayon sa awto­ridad. Sinisisi ang quarrying operations ng Apo Land sa lugar. Pero sabi ng kompanya, hindi raw sila nagku-quarry. Sabi naman ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) may crack na dati sa bundok at inabisuhan na nila ang local government officials sa lugar pero hindi umano gumagawa ng aksiyon. Ipinatigil na ng DENR ang lahat nang quarrying operations sa lugar.

Kapag nangyari na ang malagim na trahedya, lahat ay nagtuturuan kung sino ang may sala. Walang umaamin. Sa nangyari sa Naga City, dapat ang local official ang nagpatupad ng forced evacuations sa mga residenteng nasa paanan ng bundok. Mayroon na palang abiso ang MGB sa kanila at dapat sinunod ito. Kailan ba matututo ang mga opisyal na dapat sila ang manguna sa pagpapaalis sa mga taong nasa mapanganib na lugar.

CHERRY HILLS SUBDIVISION

LANDSLIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with