Recom naghain na ng protesta versus Malapitan
NAKAPAGHAIN na ng kanyang election protest sa Comelec si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri tungkol ito sa mga animal este mali anomalya pala na nangyari noong May 9, na aniya’y kagagawan ng kanyang katunggali na si incumbent Mayor Oca Malapitan.
Banat ni Echiverri, inihain niya ang reklamo dahil sa tinagal niya sa politika ay ngayon lamang siya nakaranas ng sobrang garapal na pamamaraan ng pandaraya mula sa kampanya hanggang na maganap at matapos na ang halalan.
“Napakatagal ko nang nasa larangan ng serbisyo publiko pero ngayon lang sa tanang buhay ko ako nakaranas ng sobrang talamak at garapal na pandaraya. Nalungkot ako at nabigla sa paraan ng paggamit ni Oca ng kanyang kapangyarihan upang manatili lamang sa puwesto,” paliwanag ni Echiverri.
“Hindi ako tatahimik na lamang sa isang sulok dahil kailangan malaman ng madlang people ang mga pinaggagawa niya lalo na at napakaraming violation nilang ginawa mula sa panahon ng kampanya hanggang sa mismong halalan. Ang ipinaglalaban at patuloy kong ipaglalaban ay mandato ng mga taga - Caloocan na nabalewala dahil sa diumano’y malawakang pandaraya na isinagawa ng kanilang kampo,” sabi ni Echiverri.
Kabilang sa mga inireklamo ni Echiverri ang diumano’y paggamit ng dahas, pananakot, mga iregularidad sa mga balota maging ang pagtalaga ng mga DPSTM personnel ni Malapitan bilang Comelec deputy sa araw ng eleksiyon.
Ibinunyag din sa reklamo ang paghiling ng City Treasurer’s Office na ipadala ang mga election paraphernalia ng mas maaga kaya’t nakarating na ito 2 araw bago mag-eleksyon. Nagkaroon din, ani Echiverri ng kaduda dudang kaganapan sa mga balota dahil gumamit ng iisang serial number lamang ang lahat ng balota kahit na mayroong mga presinto na 800 balota ang nararapat.
Nagkaroon din ng iregularidad sa record ng Posted Computerized Voters List (PCVL) at Election Day Computerized Voters List (EDCVL), kontra opisyal na listahan ng Comelec. Higit pa rito, hindi tugma ang bilang ng mga botante kontra sa bilang ng rehistradong botante sa Comelec.
“Napakarami ding presinto ang nagtala ng over voting at under voting na lubhang nakaapekto sa mga resulta. Ang mga VCM na dapat ay nai-testing at selyado na ng 3 araw bago ang halalan dumating din ng saktong araw na ng halalan kaya’t hindi natin masabi kung maayos ba ang mga ito o nagalaw na, lalo’t ang daming mga nag-report na nasira,” ani Recom.
“Sa totoo lamang, summary lang itong protesta ko sa lahat ng mga pagsuway na ginawa ng kanilang kampo sa mga batas ng halalan. Kung idedetalye ko isa isa baka kailangan ko nang gumawa ng nobela,” sabi ni Recom.
Salapi ni alyas Jimmy ‘tsekwa’ nilalagum sa NAIA
ISA sa mga pinakurap na ahensiya ng gobierno ang tinukoy ni incoming President Digong Duterte the other week kaya parang balak niya itong windangin.
Sabi nga, ang Bureau of Customs!
Kambiyo issue, patuloy pa rin pala ang technical smuggling dyan sa NAIA Terminal 2, ang mga epektos ay galing Guangzhou, China na inilalabas ng isang alyas Jimmy ‘tsekwa.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, apat na beses sa loob ng isang linggo kung magpasok ng epektos si alyas Jimmy ‘tsekwa’ sa NAIA T2 kaya naman umaalingasaw ang baho ng katiwalian dito ngayon.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Wednesday may 37 sacks ng mga electronics ang dumating sa paliparan pero gakulangot lamang ang ibiniyad sa epektos.
Sabi nga, undervalue - P3,000 per sako.
Bakit?
Sagot - nilagum ang pera matapos mabayaran ng katiting ang gobierno ang sobrang salapi ay pinarte-parte ng mga diumano ng mga kamoteng tiwaling customs?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
“Ito ang mga balitang dapat malaman o makarating kay Mayor Duterte para siya na lamang ang magbigay ng ‘blessing’ kung ano ang dapat gawin sa mga kurap sa bureau.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Abangan.
- Latest