Bagong pagkakakitaan

BILANG na ang araw ng mga hambog  at pasaway sa kalsada matapos ipagbawal ng Land Transportation Office (LTO) ang modified muffler, light-emitting diode (LED) at GIVI Boxes sa mga motorsiklo. Natural na aalma ang ilan nating mga kababayan na gumagamit ng motorsiklo sa kanilang pang-araw-araw na paghahanapbuhay. Subalit ang batas ay batas dahil nga­yon lamang ito ipinatupad sa bansa. Ayon kay LTO Assistant Secretary Atty. Roberto Cabrera III “In the interest of road safety and pursuant to DOTC-LTO-LTFRB Joint Administrative Order (JAO) 2014-01, the undersigned reiterates the drive against unauthorized wangwang, LED lights, and all other modifications” na  dapat ipatupad. Siyempre napabungingis na  naman ang mga pulis at local enforcers dahil karagdagang violation na naman ang maipapatupad nila sa kalye, natural na karagdagan pagkakakitaan ng ilang buwaya sa kalye.

At upang maging malinaw sa madlang people narito pa ang mga ipinagbabawal  ng LTO na dapat na pagtuunan ng pansin ng mga  may ari ng sasakyan  “change in color and other unauthorized modifications of the standard manufacturer’s specification.” At idagdag pa natin ito “without or with defective, improper, or unauthorized accessories, devices, equipment and parts. [including] bells/horns/sirens/whistles, blinkers, brakes, early warning device, grill/s, jalousies, brake (foot and hand brakes), brake lights/headlights/interior lights/signal lights/tail lights, mirrors, mufflers, metallic tires/spare tire, speedometer, windshield, wipers or any other accessory, device, equipment or part that is manifestly prejudicial to road safety.”

Upang makaiwas  kayo sa Kotong. Kaya ang apektado rito ay yung mga sunud-sunuran sa uso. Hehehe! Kasi nga naman may ilang burgis na hindi kuntento sa tunog ng kanilang tambutso kaya minu-modified  upang makalikha ng nakakanerbiyos na hagunghong na ikinasisindak ng madlang people.  Karamihan sa mga motorsiklo o kotse na-modified ang tambutso ay ginagamit sa “drag racer” na lumalamyerda tuwing gabi sa kahabaan ng Macapagal Boulevard sa Pasay City at Mindanao Avenue Extension sa Quezon City. Ang masakit maging ang GIVI Box na mahalagang paglalagyan ang gamit o baon na pagkain ay napasama sa pinag-initan ng LTO kung kaya marami ang nainis. Bakit nga naman ipinatupad ito gayong bilang na ang araw ni Pres. Noynoy Aquino sa Palasyo?  Panakip butas lang kaya itong pagpapatupad ng LTO upang maibaling ang pagkainis ng vehicle owners sa di-nareresolbang car plates at dirver’s license issue? Abangan!

Show comments