^

PSN Opinyon

‘Droga na ang nagpapatakbo sa Pinas?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI ako nangangalakal ng anumang takot, kaguluhan o kalituhan.

Nakakabahala lang ang pananaw na maging narco state na ang Pilipinas kung hindi maaagapan ang pagla-ganap ng ilegal na droga.

Mismong si dating PDEA Chief Gen. Dionisio Santiago, naaalarma. Samantalang ang Aquino administration, relax lang.

Sa loob ng matatapos nang anim na taong termino, hindi man lang nakaringgan si PNoy na nagdeklara ng gyera kontra droga.

Kakarampot pa rin ang pondo ng Philippine Drug Enforcement Agency na ginagawang laruan lang. Nasa ilalim ito ng tanggapan ni PNoy.

Wala na ngang sapat na suporta sa ahensya, nangingi-babaw pa ang intramurals sa PDEA, PNP – AIDSOTF at NBI. Lahat gusto ng accomplishments para sa pangulo. Ayaw nila itong sabihin.

Isa sa mga dahilan kung bakit may paligsahan at nagpapatalbugan ang mga ahensyang nabanggit ang kawalang data base ng pamahalaan sa mga sindikato o personalidad na sangkot sa droga.

Walang unified central agency. Panaginip pa rin hanggang ngayon ang information sharing. Ang nangyayari overlapping operations sa hanay ng mga alagad ng batas.

Kaya nga hanggang ngayon sentro pa rin ng imbestigasyon si Lt. Col. Ferdinand Marcelino. Hanggang ngayon, pahirapan pa rin sa pagpapalabas sa kaniyang ‘coplan’.

Subalit ang marine officer na matagal na sa mundo ng intel, nagpauna na. Confidential at sensitibo raw ang kaniyang mga nalalamang impormasyon.

Posibleng magkabukingan din daw kung sino sa mga matataas na opisyal ng militar ang sangkot sa ilegal na droga sa Pilipinas at makompromiso pa ang mga susunod pang operasyon.

Kung totoo man ang mga sinasabi ni Marcelino na ayaw niya pang ilabas, ibig sabihin positibong may ‘narco-politics’ sa Pilipinas.

May gobyerno sa ating gobyerno. Droga na ang nagpapatakbo sa ehekutibo, lehislatura, hudikatura maging sa mga alagad ng batas.  Nabibili na ang mga husgado at nababayaran na ang mga nasa lokal na pamahalaan.

Mabuti pa si Gen. Santiago nababahala. Sa Metro Manila palang, 92.26 porsyento barangay napasok na ng ipinagbabawal na gamot.

Sa Region 4A sa Calabarzon 49.9% o sa 4,011 barangay, 1,969 na ang apektado ng droga; 48.82% o sa 3,003 barangay 1,466 na ang apektado sa Region 7 sa Central Visayas habang 41.42% o 1,285 na ang apektado sa 3,102 kabuuang bilang ng barangay sa Region 3.

Narco-state ang tawag dito. Napasok na ng mga sindikato ng droga ang mga lalawigan at rehiyon.

Ito rin ang sinasabi nina Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Cayetano na tanging mga kumakandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo na nagsasalita sa droga. Kung hindi maaagapan, magiging ‘narco state’ na ang Pilipinas.

Ngayon pa lang nagiging aktibo ang administrasyon sa pagwawalis ng droga. Hindi matiyak kung ito ay bahagi ng pamumulitika at ang PDEA, PNP-AIDSOFT at NBI, pang-front lang.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ACIRC

ALAN CAYETANO

ANG

CENTRAL VISAYAS

CHIEF GEN

DIONISIO SANTIAGO

DROGA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MGA

NBSP

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with