^

PSN Opinyon

After 13 years, wanted huli

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NATUTUWA ang Chief Kuwago at nahuli rin ng pulisya si Rodrigo de Leon Cruz, 70 yrs. old, ang gagong tiyuhin at suspect sa pagpatay kay Alexander dela Cruz, watot ni Angie dela Cruz, reporter ng Pilipino Star Ngayon,  matapos ang 13 years pagtatago sa palda niya este mali batas pala, nasungkit din ang kamote sa pinagtataguan lungga ng daga este lugar pala sa Barangay Pagala, Baliuag, Bulacan.

Ayon kay Angie, natimbog ng PNP Region 3 OIT Bulacan ang pumatay sa kanyang asawa sa isang place sa Bulacan.

Sabi ni Angie, nakakulong sa QC jail ang gago para maisalang sa apoy este arraignment pala sa sala ni QC RTC Judge Madonna Echiverri para sa kasong murder na isinampa noon 2002.

Abangan.

A gesture of a true Mason

IBINIDA sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may isang  Masonerya ang may kapuri-puring ginawa nang windangin ng bagyong Nona ang Naujan, Oriental Mindoro kaya naman ang madlang people dito ay hilong talilong ng tamaan ng mabagsik na storm.

Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Mason na ito ay umuwi sa nasabing lugar dala ang mga bala este mali relief goods pala noong New Year at pagkatapos tahimik na ibinigay ang kanyang tulong sa mga taga - Naujan ng alaws propaganda sa mga barangay sa kanilang bayan.

‘May mga request ang mga Barangay Captains na kung puede ay kuhanan ito ng litrato habang isinasagawa ang pamamahagi ng mga relief goods na dala nang isang Mason.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hiling ay hindi pinagbigyan ng Mason sa pagsasabing hindi na kailangan ito ang importante aniya ay ang pagtulong sa kapwa at hindi ang press release.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa ang bayan ng Naujan ang tinamaan ng hagupit ni Nona kaya naman ang mga madlang people dito ay halos matulala ng maranasan ang bagsik ng super storm.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Mason na walang sawang tumulong sa kanyang kapwa ay si.......VW Biyong Garing, past DDGM NCR-E, past master ng Laong Laan Lodge 185 at outgoing Worshipful Master ng Muntinlupa City Masonic Lodge 414.

Ika nga, ang garing, garing ni VW Garing kaya naman thumbs up ako sa iyo.

MABUHAY KA, Kuyang!

Muntinlupa City Lodge 414

NAGPADULAS pababa sa kanyang trono si past DDGM/NCR - E VW Biyong Garing, bilang outgoing Worshipful Master ng Muntinlupa City Lodge 414, the other week. Si VW Biyong, ang nagpakahirap para maitatag at hindi maging isang panaginip lamang ang Muntinlupa City Lodge 414.

Nagkaroon nang hangalan este mali halalan pala the other day ang nasabing Loya at ang itinanghal na papalit kay VW Biyong bilang mga sultador este opisyal pala ay sina incoming Worshipful Master, Bro. REY NOBLE; Senior Warden, Bro. EDWIN DIMATATAC; Junior Warden; Bro. RYAN CALVIN MORGA; Treasurer, VW ED MAGPANTAY; Secretary, VW RUDY CANIDO and Auditor, WB RESTY ALCANTARA at wala pang mga pangalan appointees brethren.

Ibinida ni VW Biyong sa February 27, 2016 (Saturday) dakong 9am, ang installation nila sa Muntinlupa Masonic Temple, ang fellowship ay doon na rin gagawin at ang hindi pupunta sa pagdiriwang ay magsisisi dahil mga imported porter house at T - bone steaks from Australia, salmon fish from Canada at Wangyu beef from Japan ang ipa-tsi-tsibog sa mga bisita with matching Blue Label ang pang mumog !

Sabi nga, ipagpatuloy ninyo ang mataas na prestihiyo ng ating lodge. Isa ito sa mga lodge na may magandang pangalan katulad ng Laong Laan Lodge 185, hindi lamang dito sa Philippines my Philippines kundi sa buong mundo.

KEEP IT UP BRETHREN. Congrats again.

ANG

ANGIE

AYON

BIYONG

BIYONG GARING

BULACAN

LAONG LAAN LODGE

LODGE

MGA

MUNTINLUPA CITY LODGE

WORSHIPFUL MASTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with