^

PSN Opinyon

Mamasapano political issue na!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGIGING isyung political na ang Mamasapano. Si Sen. Juan Ponce Enrile at marami pang ibang mambabatas ay nanawagan sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa usapin. Kitang-kita na ito’y nakatiyempo sa unang aniber­saryo ng malagim na insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na SAF (Special Action Force) operatives gayundin sa nala­lapit na halalan sa Mayo.

Totoo na ang mga taumbayan (kasama na ako diyan) ay hindi kuntento sa resulta ng unang imbestigasyon. Pero kung iisipin na ang panawagang ito’y nataon din sa nalalapit na pambansang eleksyon sa Mayo, nagiging kahinahinala ang motibo nito. Ang mga nananawagan sa muling pagsisiyasat ay mga taong kakandidato na ang layunin ay magkaroon ng political mileage at hindi talaga nagnanais malaman ang katotohanan sa usapin. Mas makabubuti kung sa unang anibersaryo ng Mamasapano ay manatili tayong lahat na kalmado at alalahanin ang kabayanihan ng mga nagbuwis ng buhay sa insidente para matimbog ang isang pandaigdig na terorista.

At lalung maselan ang epekto ng re-investigation kung isasahimpapawid pa sa radio at telebisyon. Mananariwa ang sugat ng mga dating nasaktan na at makakarinig tayo ng mga pangit na pananalita laban sa mga opisyal na dapat managot sa insidente. Iyan yata ang gustong mangyari ng mga politikong nananawagan sa muling pagbubukas ng imbestigasyon. Kaya nauunawaan ko ang mga kandidatong tutol sa reopening nito tulad ni Grace Poe. Lalabas kasing  namumulitika siya at ginagamit ang isyu para makalamang sa mga kalaban niya sa namumunong partido.

At ang pagtutol ni Grace sa reopening naman ang ginagamit na bala sa kanya ng mga kalaban para ibagsak ang kanyang popularidad. Pero ako’y humahanga sa paninin­digan niya na nagpapatunay na hindi siya “trapo.”

Kung dapat mang siyasatin muli ang usapin, gawin ito matapos ang eleksyon pero hindi ngayon para hindi  makuwestyon ang motibo.

ACIRC

ANG

GRACE POE

IYAN

JUAN PONCE ENRILE

KAYA

MAMASAPANO

MGA

PERO

SI SEN

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with