^

PSN Opinyon

Bakasyunan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAIS ba ninyong mag-enjoy ngayong long vacation matapos ideklara ang four days holiday sa araw ng APEC Summit? Narito ang ligtas at murang bakasyunan. Ang Isla de Gigantes ay dinarayo ng mga turista, mapa-lokal o dayuhan sa Iloilo. Matatagpuan ito sa Carles, Northern Iloilo. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang Gigantes Norte at Gigantes Sur. Ang Isla de Gigantes ay binubuo ng mga isla ng Balbagon, Cabugao Daku, Cabugao Gamay, Waydahon, Bantigui, Bulubadiang, Gigantillo, Gigantona, Ojatras at Gakitgakit. Para sa mga adventurist na mahilig sa white sand, clear blue water, seafood lovers, nature tripping at island hopping, perfect ang lugar na ito para sa inyo. Paano pumunta sa Isla de Gigantes? Mula sa Port of Estancia, Iloilo (dried fish capital of the Philippines) sumakay sa pump boat patungong Gigantes Norte, sa halagang P80. Pero bago kayo sumakay ng bangka ay magbayad muna kayo ng P5.00 Environmental fee. Kinakailangan na hindi bababa sa 3 araw para ma-enjoy at malibot ang buong Gigantes. Ang biyahe papuntang Gigantes Norte ay tuwing 1:00 ng hapon. Pero kung nais rumenta ng bangka walang problema sa oras dahil marami ang nakapila sa pantalan. At kung pabalik naman ng Port of Estancia ang oras ng bangka ay tuwing 8:00 lamang ng umaga. Sa unang araw maari kayong maglandtour sa Gigantes Norte. Sa sumunod na araw ang island hopping at sa ikatlong araw maaring maglibot  sa dalampasigan bago umalis pabalik ng Port of Estancia. Para naman sa budget, ang P2,000 ay sapat na mula sa Port of Estancia at pabalik. Sa Gigantes Norte  marami na kayong mapagpipiliang resort kung saan puwede kayong mag-stay. Merong Arjan Resort, Hideaway Resort at meron ding mga bahayan na nag-ooffer ng matutulugan. More or less pumapatak ng P250 ang overnight fee para sa kwarto kada tao. Sa Gigantes Norte, maaari kang maglandtour sakay ng habal-habal patungong Bakwitan Cave pagkatapos at sa Gigantes Norte Medium Lighthouse. Ang “Bakwitan” ay hango sa salitang ingles na “evacuation”. Ito ang nagsilbing evacuation area ng mga tao noong panahon pa ng Hapon. Hanggang ngayon ito pa rin ang pinagkakanlungan ng mga residente sa tuwing may bagyo. Sa Gigantes Norte Medium Lighthouse maaakit ka sa ganda ng sunrise at over looking ang buong isla, itinayo noong panahon pa ng Kastila. Nagkaroon nang malaking pinsala ito noong dumaan ang bagyong Frank sa Visayas na hanggang sa ngayon ay nakikita pa ang pinsala. Sa mahilig mag-island hopping sa mga isla ng Gigantes Sur. Ang renta ng bangka para sa lima katao ay P1,500. Unang destinasyon ay ang lagoon o Tangke Natural Pool. Para ma-enjoy ang tangke kailangan umalis ng maaga para hindi maabutan ng lowtide dahil ang tubig na pumapasok sa tangke ay tubig dagat. Ang Cabugao Gamay ay nakakapanabik sa lihim nitong kagandahan kinakailangan lamang magbayad ng P50 na entrance fee. Nariyan din ang Bantigui Island at ang kanilang pinagmamalaking sandbar, na may napakapino’t puting buhangin. Nandyan din ang Antonia Island, dito maari kayong mag-lunch. magpaluto ng kanilang pinagmamalaking Isdang Wasay-wasay at Scallops na masarap at kabusog-busog. Tara na! Mag-Gigantes na!

ANG

ANG CABUGAO GAMAY

ANG ISLA

ANTONIA ISLAND

GIGANTES

GIGANTES NORTE

GIGANTES SUR

NORTE

PARA

PORT OF ESTANCIA

SA GIGANTES NORTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with