Maliliit binubuwisan, malalaki ine-exempt (2)
(Karugtong nang lumabas noong Martes)
INAALINGAWNGAW na parang walang sariling isip ni administration presidential standard bearer Mar Roxas si P-Noy. Kitang-kita ito sa pagkontra niya, tulad ni P-Noy, sa anumang tax reform. Sa forum ng mga negosyante nitong nakaraang linggo, umapela ang isang executive na babaan sana ang apat-na-dekada nang lumang 32% personal income tax rate. Agad tumanggi si Roxas nang patuya. Aniya sahihin na lang ng mga negosyante sa kanila kung ano’ng mga programa ng gobyerno ang nais nilang ipatanggal. Ito’y dahil mababawasan umano ng tumataginting na P29 bilyon ang koleksiyon ng BIR para sa national budget kung ipapareho ang individual tax rate sa 20-26% tulad ng Singapore at Malaysia.
Nabalitaan ni Rep. Neri Colmenares (Bayan Muna) ang panunuya ni Roxas. Nu’ng sumunod na hearing sa House of Reps, inusisa niya si Budget Sec. Florencio Abad, na ka-Liberal Party ni Roxas. Bakit hindi na lang tanggalin ang taunang P30-bilyon Risk Management Program Fund, para hindi na problemahin ang mawawalang P29 bilyon? Para lang sa malalaki, malalakas, at mayayaman ang pondo, ani Colmenares, imbis na sa mahihirap. Ilang halimbawa ng pinaglalaanan ng pondo:
- Kapag tanggihan ng MWSS ang dagdag-singil ng water concessionaires, maari sila kumubra ng “pagkalugi” mula sa pondo. Samantala, pinababayaan nila masayang ang tubig, imbis na tipirin para lumaki ang kita.
- Taunang P22-milyong kuryente ng isang malaking US company sa loob ng Baguio Export Processing Zone, at P15 milyon sa Korean company sa Subic. Bakit tayong mamamayan ang magbabayad ng kuryente na dapat tipirin nila para lumaki ang kita?
- P7.5 bilyon “refund” sa paboritong kumpanya ni Roxas na nag-e-extend ng LRT-1 mula Baclaran patungong Cavite boundary.
- Latest