^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Para lumuwag ang daan disiplina ang kailangan

Pilipino Star Ngayon

NGAYONG araw na ito ay magpapakita na raw ng ngipin ang Highway Patrol Group (HPG) sa mga pasaway na motorista at illegal vendors. Kung sa nakaraang linggo ay pawang pagtatrapik ang ginawa nila, ngayon ay iba na. Masusubukan na ang HPG para tuluyang lumuwag ang EDSA.

Subalit nakita na sa nakaraang linggong pag-takeover ng HPG sa EDSA ang isang solusyon para malutas ang matinding trapik sa nasabing highway. Ito ay ang pagkakaroon ng disiplina. Mula nang mag-takeover ang HPG sa EDSA noong Lunes, nagkaroon na ng pagbabago sa daloy ng trapiko. Nadisiplina ng HPG ang mga bus na bumabalagbag sa Cubao. Dati, walang pakundangan kung magbaba at magsakay ng pasahero ang mga bus sa nasabing lugar at iyon ang dahilan kaya nagkakaroon ng trapik na umaabot hanggang GMA-Kamuning. Ngayon ay wala nang bus na bumabalagbag kaya tuluy-tuloy ang agos ng mga sasakyan.

Nadisiplina rin ng HPG ang mga vendor na naka­harang sa sidewalk. Dahil walang madaanan ang pedestrians, sa kalsada sila naglalakad na nagiging sagabal sa mga sasakyan. Kung walang naglalakad sa kalsada, mabilis at maayos na nakadadaloy ang trapiko.

Disiplina rin ang pinairal sa harap ng Balintawak market kung saan pinaalis ang mga nagtitinda roon na inuukopa ang kalahati ng EDSA. Ang pag-okupa sa EDSA ng mga walang disiplinang illegal vendors ang dahilan kaya hindi dumadaloy (southbound) ang mga sasakyan sa lugar. Umaabot na halos hanggang Monumento ang trapik dahil sa pagbabara ng mga vendor at apektado na rin ang mga nanggagaling  sa North Luzon Expressway at A. Bonifacio Avenue. Sa pagpapaalis sa mga vendor, nakahinga nang maluwag ang bahaging iyon ng Balintawak at maayos na nakadadaloy ang mga sasakyan.

Disiplina ang isa sa mga solusyon at sana’y mapanatili ito hindi lamang sa Balintawak at Cubao kundi sa marami pang tinaguriang “chokepoint” sa EDSA. Isa rin sa solusyon na maaaring gawin ng HPG ay ang pagwalis sa mga sasakyang nakaparada sa mga kalsada. Kung magagawa ito, tiyak na luluwag ang EDSA at sasaluduhan ang HPG.

vuukle comment

ANG

BALINTAWAK

BONIFACIO AVENUE

CUBAO

DISIPLINA

EDSA

HIGHWAY PATROL GROUP

HPG

MGA

NADISIPLINA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with