^

PSN Opinyon

Tax cut nabokya

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TUWANG-tuwa na sana si Juan dela Cruz sa nilulutong bill sa Kongreso na magtatapyas sa buwis na dapat bayaran ng mga ordinaryong mamamayan pati na ng mga korporasyon. Kaso nabokya!

Okay na sana kay Presidente Noynoy ito pati sa dalawang kamara ng Kongreso, pero may kontrabidang tumutol. Si Finance Secretary Cesar Purisima. Na­amoy yata ni Purisima na plantsado na para maisabatas ang bill kaya ipinahatid ang kanyang pagsalungat sa Mala­cañang sa pamamagitan lang ng text message.

Maaapektuhan daw ang “credit rating” ng Pilipinas. Hindi ko maintindihan ito. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na buwis sa buong Asia pero  kakatwa na ito rin ang may pinakamababang koleksyon ng buwis kumpara sa ating mga kalapit na bansa.

At isipin pa ito: Alam n’yo ba na sa problema natin sa smuggling na hindi masugpu-sugpo, halos P200 bilyon ang nawawala taun-taon? Huwag nang isali diyan ang bilyones din na kinukulimbat ng mga mandurugas sa gobyerno. Mukhang napaka-walang katarungan na dahil­ sa mga “leakage” na ito, laging ang target ng pamahalaan ay mga ordinaryong mamamayan para mabawi ang  perang hindi nakulekta.

Sa tatlong uri ng buwis na sinisingil ng pamahalaan gaya nang individual income, corporate tax at Value Added Tax (VAT) tayo ang pinakamataas ang binabayarang buwis kung ihahambing sa ibang kalapit na bansa.

Ang nakakaawa ay ang mga ordinaryong tao. Yung mga kompanya ay madaling maka-iwas sa pagbabayad ng malaking buwis pero ang mga ordinaryong manggagawa, hindi pa man nasisingil ang suweldo ay iki­naltas na ang buwis na dapat bayaran.

Ang author ng bill na nagbabawas sa buwis na dapat bayaran ay si Marikina Rep, Miro Quimbo, isang kaalyado ng administrasyon. Pero tiyak ko na masama ngayon ang loob niya lalu pa’t kung papatulan ng Pangulo ang pag-torpedo ni Purisima sa kanyang magandang panukala.

Dapat marahil isipin ng mga “bright boys” ng pamahalaan na marami ang  tax evaders dahil sa sobrang taas na buwis. Aanhin mo ang mataas na buwis kung hindi naman nakukulekta nang tama ng pamahalaan? Ibig sabihin lang niyan, may mga taxpayers na nakakalusot dahil nagbibigay ng padulas  sa mga opisyal na nangungulekta.

ACIRC

ANG

ANG PILIPINAS

BUWIS

KONGRESO

MARIKINA REP

MGA

MIRO QUIMBO

PRESIDENTE NOYNOY

PURISIMA

SI FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with