^

PSN Opinyon

“Mala kabuteng kaso (?)”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

(Huling Bahagi)

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7104038

“Nag-iinuman sila nun sa may eskinita. Naiwan akong mag-isa sabahay bigla na lang silang pumasok sa bahay. Hinila ako sa bahay ninaTito Boy ay dun ako tinali at hinubaran,” ayon sa salaysay ni Rina.

Itinampok namin noong nakaraang Lunes ang problemang inilapit sa amin ni Gaylord de Asis. Nung una ay sinampahan siya ng kasong RA 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism in relation to RA 7610.

Ang umano’y biktima ay ang labing siyam na taong gulang na dalaga na itinago namin sa pangalang “Rina”.

Kinuhanan umano ng video habang nakahubad siya nina Gaylord, Mary Rose Gabriel at Rolando Gabriel Jr. si Rina. Itinali pa umano nila ito sa paa.

‘Submitted for Resolution’ na ang kaso ngunit may panibago na namang isinampa sa kanya si Armando, ito ay ang kasong Rape.

Nakasaad sa salaysay ni Rina na ibinigay kay PO2 Maricel Tejada sa Cubao Police Station noong ikalima ng Hulyo 2015, noong ikalabing siyam ng Pebrero 2014 sa Cubao, Quezon City ay inutusan siya ng amang si Armando Ramos. Pagkabalik niya ay umalis na raw ito at nagsimula nang mamasada.

Nag-iinuman daw ng mga panahong yun sa may eskinita sina Gaylord, Ronald Ortillano at Rolando Gabriel Jr. Naiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay. Bigla na lang daw pumasok si Rolando at kinuha ang cellphone ng kanyang ama na naka-charge.

“Sabi niya huwag akong maingay tapos tinali ni Gaylord ang paa ko at si Rolando sa aking kamay,” ayon sa salaysay.

Tinanggal ni Ronald ang tali sa kamay at paa niya at hinila raw siya papunta sa bahay ng kanyang Tito Boy. Tinanggal ni Ronald ang lahat ng damit na kanyang suot.

Sinubukan daw magpumiglas ni Rina ngunit pinagmumura lang siya ni Ronald at sinabihang huwag siyang maingay. Pinahiga siya sa sahig ni Ronald.

“Pinasok niya ang ari niya sa ari ko sa kabila ng pag-ayaw at pagpupumiglas ko,” sabi ni Rina.

Ang sumunod naman na lumapit sa kanya ay si Gaylord at ipinasok din nito ang ari sa kanyang ari. Ang huling gumahasa sa kanya ay si Rolando.

Habang salitan umano siyang ginagahasa ng mga lalaki ay kinukuhanan pa siya ng video ni Mary Rose. Binuhat siya papunta sa bahay nina Gaylord at doon ay salitan na naman siyang ginahasa.

“Sinabihan ako ni Gaylord na huwag akong magsusumbong at maingay sa aking papa kundi gagahasain nila ulit ako,” ayon kay Rina.

Tinulak na siya sa may hagdanan at umuwi na siya sa kanilang bahay. Kapitbahay niya si Gaylord, si Ronald naman ay ka-live in partner ng dating boss ng kanyang ama habang si Rolando ay pamangkin ng kanyang ina.

Mariin namang itinanggi ni Gaylord ang mga paratang sa kanya. Hindi pa raw siya nakakapasok sa bahay nina Rina. Kung sakaling totoo na ginahasa nila si Rina bakit hindi man lang daw namalayan ng mga taong nakatira sa lote nila.

Nasa ikatlong palapag daw nakatira sina Rina habang nasa kabilang kwarto lang ang ilang kamag-anak ng mga ito. Ang ilan din nilang mga kamag-anak ay nasa una at ikalawang palapag naman.

“Ang alam ko lang na pinag-ugatan nito ay dahil galit siya sa aking kinakasama na si Annelyn dahil sa pag-utang sa kanilang organisasyon,” wika ni Gaylord.

Nagbigay din ng kanyang salaysay si Annelyn Mercado na noong ika-28 ng Agosto 2014 ay nagkausap sila ni Armando. Pinipilit daw siya nitong umutang sa kanilang organisasyon. Hinihingian siya ng NBI Clearance at I.D. Nangako pa itong tutulungan siya nito.

“Sinagot ko siya na si Gaylord lang meron nun. Bigla niyang sinabi na hindi raw pwede yun dahil may bisyo. Sabi ko alak at yosi lang naman bisyo nun at minsan lang,” ayon kay Annelyn.

Sabi pa raw ni Armando hindi raw yun ang bisyong tinututukoy niya. Kinulit siya ni Annelyn kung droga ba ang sinasabi nito at sumang-ayon naman si Armando.

“Nagalit ako at nakapagsalita na baka siya mapahiya. Hinamon ko siyang ipa-drug test si Gaylord dahil alam kong negatibo ang kalalabasan nito,” salaysay ni Annelyn.

Sumailalim sa pagsusuri ng isang doktor si Rina. Lumabas sa resulta na pirmado ng doktor na si Michael Sarmiento na nagkaroon ng ‘healed lacerations’ sa 3,6 at 9’oclock positions si Rina.

Ipinasuri rin sa espesyalista si Rina upang mas maipaliwanag ang kanyang kalagayan. Ayon sa Clinical Psychologist na si Nedy Tayag na ang ‘intellectual competence’ ni Rina ay nasa ilalim ng ‘mild intellectual disability of retardation’. Ang kanyang pag-iisip ay tulad lang ng taong nasa pito hanggang walong taong gulang.

Nakapagdulot din daw ng takot dahil sa nangyaring pagkuha ng video sa kanya. Kasalukuyan niyang pinagdadaanan ang ‘acute stress’.

“Wala naman akong kinalaman sa lahat ng ibinibintang nila. Hindi ko ginahasa si Rina at kung ginawa ko yun sana nakapaloob na yun sa una niyang isinumiteng salaysay,” sabi ni Gaylord.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang katotohanan na sa kabila ng pinagdaraanang kapansanan ni Rina ay may gumawa ng hindi maganda sa kanya. Ang medico-legal examination results ay nagpapatunay na may matigas na bagay ang ipinasok sa ari niya.

Subalit hindi naman ibig sabihin nito na sina Gaylord ang nasalikod ng mga ‘lacerations’ sa ari ni Rina.

Malalaman din naman kung meron ngang video kapag nakitaan ito ng ‘probable cause’ at maisampa sa korte dahil isu-subpoena ito ng hukom.

Magiging maingat din naman ang ating hukuman sa pagkuha ng ‘direktang testimonya’ ni Rina dahil sa kanyang kondisyon. Maari ngang magtalaga ng isang ‘court appointed psychiatrist’ para masuri ng mabuti ang kanyang kondisyon ng pag-iisip.

Kapag nabura niya naman ang mga ito maaari naman tumunta sa Anti Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation o ng Criminal Investigation and Detection Group para mahabol pa ang buradong video.

Ang lahat ng sinasabi ni Gaylord at ng kanyang mga kasama sa kaso ay mas magandang talakayin sa isang malawakang paglilitis.

Ang lahat yan kailangan muna hintayin ang resolusyon ng kagalang-galang na taga-usig baka naman maging pabor kina Gaylord.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o mga taong biktima ng krimen o may problemang legal, maaari kayong mag-text sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANNELYN

GAYLORD

LEFT

NAMAN

QUOT

RINA

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with