^

PSN Opinyon

Masama nga ba ang aspartame?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NABASA ko na tatanggalin na ng Diet Pepsi ang aspartame, at papalitan ng ibang artificial sweetener. Gagawin ito ng kompanya sa Amerika at Canada. Hindi ko alam kung aabot dito sa atin ang aspartame-free na produkto nila. Sucralose na ang gagamitin na pampatamis ng kanilang softdrink. Ang sucralose ay mas kilala sa tatak na Splenda. Ang dahilan daw kung bakit papalitan na ang aspartame ay dahil sa paniniwala na masama ang aspartame sa kalusugan. May mga nagsusulong na maaaring magkaroon ng tumor sa utak at iba pang sakit ang madalas na pag-inom ng aspartame. Dahil dito, humina raw ang benta kaya minabuting palitan na ang aspartame.

Pero masama nga ba ang aspartame? Sa totoo lang, walang patunay na masama ang aspartame, o kung may masamang epekto ito sa kalusugan. Ayon sa American Cancer Institute na gumawa ng pagsisiyasat sa laboratoryo at sa mga tao mismo, walang direktang koneksyon ang pag-inom ng aspartame sa pagtubo ng anumang cancer sa katawan. Masama ang aspartame para sa mga may kundisyon na phenylketonuria. Kaya may babala ang mga inuming may aspartame para sa mga may ganitong kundisyon.

Ayon naman sa US Food and Drug Administration (FDA), ang kanilang Acceptable Daily Intake (ADI) ng aspartame ay 50 mg kada kilo sa isang araw. Ang European Food Safety Authority (EFSA) ay mas mababa, 40 mg kada kilo sa isang araw. Kaya kung ang timbang mo ay nasa 70 kilos o mga 160 pounds, puwede kang makainom ng 3500 mg o tatlo’t kalahating kilo ng aspartame sa isang araw. Ang isang karaniwamg lata ng diet softdrink ay may higit-kumulang na 190 mg ng aspartame. Kaya sa isang araw, puwede kang uminom ng 18 lata ng diet soft drink bago maging masama na ang aspartame sa katawan. Sino naman kaya ang nakagagawa niyan? May kilala ba kayo?

Ipinakita ko lamang ang mga impormasyon tungkol sa aspartame. Mabuti na ang may kaalaman na may basehan, at hindi base sa haka-haka o kuwento lamang ng mga tao. Ayon sa mga kilalang ahensiya at organisasyon, hindi masama ang aspartame, basta, tulad nang lahat, huwag lang sobra-sobra. Sa tingin ko nga mas masama pa rin ang purong asukal sa kalusugan, at may mga datos para patunayan ito. Diabetes ang sanhi ng napakaraming malubhang sakit ngayon. Kaya nga nagkaroon ng mga diet na inumin ay dahil sa mataas na content ng asukal ng mga kilalang softdrink. Nasa indibidwal na tao na rin ang desisyon. May mga kilala akong hindi talaga umiinom ng anumang softdrink. Kuntento na sa malamig na tubig, o mga juice ng prutas na sariwang piniga sa harap nila. Nasa kamay natin ang personal na kalusugan. Ang mahalaga ay tamang impormasyon mula sa mga kilalang ahensiya, para makarating sa personal na desisyon.

ACCEPTABLE DAILY INTAKE

AMERICAN CANCER INSTITUTE

ANG

ANG EUROPEAN FOOD SAFETY AUTHORITY

ASPARTAME

AYON

DIET PEPSI

DRUG ADMINISTRATION

KAYA

MASAMA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with