^

PSN Opinyon

‘Accomplishments na hindi ramdam’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Tinotorotot, ipinangangalandakan sa publiko kung sa ingles pa, ‘trumpeting their accomplishments’ ngayon ang magaling at malikhain na si Budget Sec. Butch Abad.  

Tumaas daw ang infrastructure spending ng tatlong porsyento o 3% ngayong taon kumpara noong 2014. Dumami ang mga natapos na proyekto ng gobyerno partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department Interior and Local Government (DILG), Department Social Welfare and Development (DSWD), Department of Finance (DOF) at Office of the President (OP).

Kung aanalisahin, si Pangulong Noy Aquino ang dapat magsalita tungkol dito pero ang pumapapel si Abad. Gusto pa yatang unahan si PNoy sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Ang problema, sa halip na matuwa ang tao sa sinasabing accomplishment na ito ng gobyerno o para sa BITAG Live pagpapapogi lang, nabubuwisit pa ang taumbayan.

Hindi ramdam ang mga sinasabing pag-unlad at taliwas ang kanilang mga nakikita sa kanilang lugar. Kung mayron man, ang mga nakakaalam lang, sila-sila na mga ‘KKK’ ng presidente.

Nitong nakaraang linggo, kinuwestyon ni Sen. Chiz Escudero hindi lang ang mabagal na paglalabas ng pondo ng gobyerno kundi ganundin ang isyu ng underspending.

Ambibilis at kuntodo sa paghingi ng pondo pero pagdating naman sa implementasyon ng mga proyekto, mas mabagal pa sa pagong. Mayroong Budgetary indigestion. Hindi pa man tapos ang taon, humihirit na naman ng P3 trilyon para sa 2016.

Naninindigan naman si dating Sen. Panfilo Lacson matapos ang kanila umanong pangangalkal  na mayroon pa ring pork barrel o PDAF na nagkakahalaga ng P424 bilyones sa P2.6 trilyong national budget ngayong 2015.

Sinasabi lang ng pamahalaan na wala na, ibinasura na nila ang sistemang Disbursement Acceleration Program (DAP) pero ang espiritu ng kontrobersyal na pondo nasa General Appropriations Act (GAA) pa rin o taunang pondo, iniba lang nila ang pangalan.    

Ngayon kung sinasabi ni Abad na tumaas ng 3% ang infra spending sa kalagitnaan ng 2015, kulang na kulang ‘yan. Kung imprastruktura din lang ang titingnan at pag-uusapan, mismong mga nasa business industry na ang nagsasabi, napag-iiwanan na, kulelat na ang Pilipinas sa mga karatig nitong bansa sa Asya.

Kaya nga hindi na nakakapagtaka kung bakit ang mga dayuhang imbestor at gustong mamuhunan nag-aalangang magbuhos ng pera para magtayo ng negosyo sa bansa.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABAD

ANG

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

CHIZ ESCUDERO

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEPARTMENT SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with