^

PSN Opinyon

Mga drug addict, dinadalaw ni Mayor

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang dinadalaw ng isang mayor ang mga drug pusher at mga adik-adik sa kanilang bayan?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Cong. Ted Failon ng ABS-CBN, Ma. Waywaya Ma­calma ng PTV4, Tina Monzon-Palma, Melo del Prado ng DZBB, Ding Ruedas ng DZRH, Dennis Anternor Jr., Ana Gomez, Loida Osmillo at Eugene Genove.

Alam n’yo bang maaring gayahin ng mga local officials ang ginagawa ng isang mayor upang mapuksa ang pag­laganap ng droga sa kanilang lugar?

Ayon sa aking bubwit, ginagawa pala ni Mayor na informer ang mga barangay tanod at sila ang mga taga-sumbong sa kanya kung sino ang mga nagtutulak ng droga at mga adik sa kanilang mga barangay.

Kapag nalaman ito ni Mayor ay sinusulatan niya ang barangay captain at ipinaaalam na gawan niya ito ng aksiyon. Kung hindi papansinin ng mga pusher at mga addict ang warning ng barangay captain para tumigil, si Mayor naman ang nagpapadala ng sulat sa mga ito at binibigyan ulit ng warning.

Ayon sa aking bubwit, kung ayaw pa ring tumigil sa pagtutulak ang mga pusher at tuloy naman ang paggamit ng droga ang mga adik-adik, si mayor na mismo ang kumikilos. Pinupuntahan mismo ni Mayor ang mga ito sa kanilang bahay, kinakausap at binibigyan sila ng ultimatum para tumigil na sa kanilang masamang bisyo.

Ayon sa aking bubwit, dahil may mga nasampolan na si Mayor sa kanilang lugar na mga tulak at adik-adik, sila ay sumusunod naman at nagiging matino. At dahil sa ganitong kampanya ni Mayor ay halos drug free na ang kanilang bayan.

Ang mayor na may kakaibang style sa paglaban sa mga drug pusher at addict sa kanilang lugar ay si Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas.

ADIK

ANA GOMEZ

AYON

DENNIS ANTERNOR JR.

DING RUEDAS

EUGENE GENOVE

KANILANG

MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with