^

PSN Opinyon

May pinagtatakpan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI naisumite kahapon ng Board of Inquiry (BOI) ang report sa tunay na nangyari noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 commandos ng Special Action Force (SAF). Kaya naunsiyami ang paggiling ng Senado at Kamara. Ang chairman ng BOI ay si CIDG Director Benjamin Magalong, hehehe! Luma­labas tuloy na pinaplantsang maigi ni Magalong ang kanilang report upang makaiwas sa paggisa ng mga senador at kongresista. Habang naantala ang report nagkakaroon ng agam-agam ang aking mga kausap sa Manila Police District headquarters na may pinagtatakpan si Magalong. Kasi nga ang nais mabatid ng Senado at Kamara ay kung sino ang may utos sa “Operation Exodus” at ano ang papel ng suspendidong PNP chief Gen. Alan Purisima at ni Pres. Noynoy Aquino.

Sa puntong ‘yan unti-unti na namang umiinit ang usapan sa kalye dahil may ilang miyembro na ng BJMP, PNP, BFP, PNP Alumni Association at mga kamag-anakan ng  44 commandos ang nagsasagawa ng “Walk For Unity and Justice” upang kalampagin ang Malacañang, Senado at Kamara. Unti-unti na rin sinasaba-yan  ng mga militante ang isyu na ang tinutumbok ay ang resignasyon ni P-Noy. Ngunit habang umiinit ang usapin sa Mamasapano, tumataas na naman ang krimen sa Metro Manila. Nitong nagdaang linggo, limang  salvage victim ang itinapon sa Ilog Pasig at isa pang bangkay ang sinunog sa Road-10, Tondo, Manila. Sa Baseco Compound, Port Area binistay ng bala ang hindi kilalang bakla at kasunod nito ang pagpatay sa isang Bombay. Blanko ang mga kapulisan ni MPD Director Chief Supt. Rolando Nana sa mga pangyayari dahil ang pinagkakaabalahan ay ang pangungulekta sa illegal vices at sidewalk vendors sa kaharian ni Manila Mayor Erap Estrada.

Iyan ang bunga ng pagpapabaya ng pulisya. Tumbukin ko na itong Area ni Supt. Aldrin Gran. Sa Bagong Silang, Caloocan City naman  walang awang pinagsasaksak ang dalawang babaing carrier umano ng STD na  sina Princess dela Crus at Mary Rose Junio, at blanko rin si North Caloocan Police Officer-in-Charge  Supt. Rey Ariza. Walang humpay din ang patayan sa Quezon City particular na sa area ng Payatas at Commonwealth. Ang nakagigimbal na pagtaya ng PNP, bumaba raw ang krimen ngayong first quarter kumpara sa nagdaang taon. Napaismid dito ang aking mga kausap, hehehe! Kasi nga habang nakabinbin ang usapin kung sino ang papalit kay Purisima lumalabas na tinatamad ang mga pulis ni NCRPO director Carmelo Valmoria na kandidato rin sa pagka-PNP chief. May katwiran ang aking mga kausap dahil kung pinaplantsa man ang report sa Mamasapano clash gayundin siguro ang paghubog sa kapalit ni Purisima di ba mga suki? Abangan!

ALAN PURISIMA

ALDRIN GRAN

ALUMNI ASSOCIATION

BOARD OF INQUIRY

CALOOCAN CITY

CARMELO VALMORIA

KAMARA

MAMASAPANO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with