^

PSN Opinyon

20 datos tungkol kay Pope Francis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGKA-NOBYA, mahilig mag-tango, at nag-bouncer. Kahahalal lang ni Pope Francis nang saliksikin ng diyaryong The Telegraph sa London ang 20 tidbits tungkol sa kanya:

(1) Isinilang sa Argentina si Jorge Mario Bergoglio nu’ng Dec. 17, 1936, isa sa limang anak ng trabahador sa riles at mananahi. (2) Migrante ang ama na si Mario Jorge mula Piedmont region, Italy. (3) Bihasa siya mag-Kastila, German, Italian, at konting Ingles, Pranses, Portuges, at Piedmontaise dialect. (4) Tinapyas ang bahagi ng baga niya na naimpekta nu’ng kabataan. (5) Mahusay siya noon mag-tango.

(6) Nagka-nobya siya na kagrupo sa tango, bago mabatid ang bokasyon, aniya sa 2010 biography na “El Jesuita”. (7) Nag-bouncer siya sa bar sa Buenos Aires, pantustos sa pag-aaral. (8) Fan siya ng local San Lorenzo Football Club, unang Argentinian team na nagwagi ng kambal-torneo ng 1972. (9) Paborito niyang painting ang “The White Crucifi-xion” ni Marc Chagall, 1938, kung saan naka-Jewish prayer shawl si Hesus, at sa original ay may sundalong Nazi na naka-swastika armband sa harap ng sinilabang synagogue. (10) Paboritong pelikula ang “Babette’s Feast,” tungkol sa katulong na nagkapera kaya nagpa-bangkete sa magkapatid na among matatandang dalaga.

(11) Nagtapos siya ng Philosophy sa Catholic University sa Buenos Aires, at nag-masters ng Chemistry sa University of Buenos Aires. (12) Nagturo ng literature, psychology, philosophy, at theology, bago maging Archbishop ng Buenos Aires. (13) Co-author siya ng librong “Sobre el Cielo y la Tierra (On Heaven and Earth),” mabibili sa Kindle. (14) Nu’ng arsobispo, 1998-2013, naka-simpleng abito ng pari lang siya, imbis na magarbong robe. (15) Naka-aparment lang siya, nagluluto ng sariling ulam, at nagpa-public transport lang miski may archbishop’s mansion, chef, at kotseng de-tsuper.

 (16) Ginawa siyang cardinal nu’ng 2001 ni Pope John Paul II. (17) Bulung-bulongan na runner-up lang siya kay Pope Benedict XVI nu’ng 2005 conclave, dahil siniraan ng mga progresibong Hesuwito na kesyo hindi ngumingiti. (18) Nag-economy flight lang siya patungong 2013 conclave. (19) Una siyang Santo Papa na hindi Uropeo mula kay Gregory III, na isinilang sa ngayo’y Syria at hinirang nu’ng taon 731, o 1,282 taon ang lumipas. (20) Hindi siya Francis I, pagtutuwid ni Vatican spokesman Federico Lombardi. Magiging “The First” lang siya kung magkaroon ng Francis II. Ang huling Pope na “The First,” si John Paul I, ang naglagay ng “I” sa sariling pangalan.

BUENOS AIRES

CATHOLIC UNIVERSITY

EL JESUITA

FEDERICO LOMBARDI

FRANCIS I

JOHN PAUL I

JORGE MARIO BERGOGLIO

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with