^

PSN Opinyon

Mga ‘boss’ ni P-Noy walking dead

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

“KAYO ang ‘boss’ ko.” Ito ang madalas sinasabi ni P-Noy. Oo na, taumbayan nga ang “boss” mo Mr. President. Pero alam ba ni P-Noy kung ano ang kalagayan ng mga “boss” niya?

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), 12 million sa mga “boss” niya ay walang trabaho at 18 million ay underemployed? Ayon sa World Bank, ang sanhi ng widespread joblessness and underemployment ay massive graft and corruption. Bakit pinuprotektahan pa niya at hindi tinitiwalag sa kanyang Gabinete ang Cabinet members against whom the evidence of corruption is clear and strong tulad ni Vice President Jejomar Binay, ni Budget Secretary Butch Abad, ni PNP Chief Alan Purisima at ni DOTC Secretary Emilio Abaya? Sabi niya “they are presumed to be innocent until proven otherwise.”

Samakatuwid, pinauubaya niya sa husgado ang lahat kahit ba maliwanag na sa paningin ng mga “boss” niya na mga kawatan ang mga nasa paligid niya. Akala natin galit siya sa hudikatura dahil nagpasya ito laban  sa kanya hinggil sa PDAF at DAP. Ngayon nagmistulang umaasa pala siya sa hudikatura na magpasya kung ilan sa mga tauhan niya ay kawatan o hindi.

Dapat binitawan na ni P-Noy ang mga kawatan sa paligid niya bago pa mag-isip ang mga “boss” niya na kawatan din siya dahil ika nga “birds of the same feather flock together”. May isa pang salawikain “Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are”.

Delikado ang ginagawa ni P-Noy. Baka sa bandang huli kapag hindi na siya ang Presidente at nasampahan ng mga kasong plunder ang mga kawatang kaibigan ay pati siya ay madamay bilang co-conspirator.

Kaya mga kababayan, huwag na kayong maniwala sa mga kaek-ekan. Magkaisa tayo sa pamamagitan ng ROSE (Respect Our Security of Employment) 

Movement na isang mapayapang kilusan na ang hangarin ay pagkaisahin ang mga Cujjucomms (contractuals, underemployed, jobless, j.o’s, casuals, ma­ngingisda, magsasaka at SME’s) para magkaroon ng mabigat na timbang ang laban sa political elite at economic oligarchy ng bansa.

Makipag-ugnayan  sa  email: [email protected]. o mag-text sa: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) at bisitahin ang Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.

 

AYON

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

CHIEF ALAN PURISIMA

MR. PRESIDENT

NIYA

P-NOY

RESPECT OUR SECURITY OF EMPLOYMENT

SECRETARY EMILIO ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with