^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan pupulbusin ang Sayyaf?

Pilipino Star Ngayon

AKALA nang marami, ganap nang napulbos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga salot na Abu Sayyaf. Paano’y laging sinasabi ng AFP na wala nang puwersa ang mga ito sapagkat iilan na lamang o kakaunti na lamang miyem­bro. Wala na raw kakayahan ang mga ito para maghasik ng lagim. Minsan na ring sinabi ng AFP na hindi na problema ang Sayyaf at wala na rin daw kakayahang mangidnap.

Pero walang katotohanan ang mga pinahayag sapagkat hindi humina ang Sayyaf kundi lumakas pa. Wala pa rin silang tigil sa pangingidnap. Mara-ming dayuhan na ang kanilang kinidnap at nagkamal na sila ng pera sa mga ito dahil sa ransom. Pero sa kabila na nagbigay ng ransom ang pamil­ya ng mga kinidnap, itinatanggi ng AFP na walang ransom. Mahigpit na ipinatutupad ang “no ransom policy”. Ayon sa AFP ang pagbibigay ng ransom ay hihikayat lamang sa Sayyaf para mangidnap pa.

Huling kinidnap ng Sayyaf ang dalawang German na sina Stefan Viktor Okonek at Henrike Die-len. Pinalaya sila noong Biyernes sa Patikul, Sulu. Ayon sa report, nagbayad ng ransom ang pamil­ya ng dalawang German. Pero sabi ng military walang ransom na binigay. Marami namang naniniwala na nagbayad nga ng ransom ang pamilya ng dalawang dayuhan.

Kung nagbayad ng ransom, wala itong ipinagkaiba sa Australian na kinidnap ng Sayyaf noong Dis­yembre 5, 2011. Ang Australian ay si Warren Rod­well. Pinalaya umano si Rodwell makaraang magbayad ng P4-million ransom ang pamilya nito. Payat na payat at halos hindi makalakad si Rodwell nang makita ng isang mangingisda sa dalampasigan ng Pagadian City. Iniwan sa bangka si Rodwell ng kidnappers makaraang makuha ang ransom.

Hindi naman masisi ang pamilya kung magba-yad ng ransom sa takot na patayin ang kaanak na kinidnap. Gagawa sila nang paraan para mapalaya ang kaanak. Hindi nila hahayaang may mangyari sa kaanak.

Walang ibang dapat gawin ang AFP kundi ang puspusang pagtugis sa Sayyaf. Kung talagang kakaunti na ang Sayyaf, ano ang dahilan at hindi sila mapulbos. Tiyak namang may sapat na sandata ang AFP para tapusin ang mga kidnaper.

 

ABU SAYYAF

AFP

ANG AUSTRALIAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

PERO

RANSOM

RODWELL

SAYYAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with