^

PSN Opinyon

Senense

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa umiinit ang mga puwet ng apat na Officers-in-Charge ng police district sa Metro Manila ay naglulundagan na ang mga bagong kolektor na sisira uli sa kredibilidad ng PNP. Bilang patunay narito ang sariwang mensaheng ipinaabot sa akin ng mga dismayadong pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon sa kanila may isang Maj. Senense na taga-Bicutan ang nag-iikot sa mga pasugalan, beerhouse at putahan sa Metro Manila para kumolekta ng lingguhang intelihensiya. Sa unang salpukan, sasabihin ni Senense sa mga kausap na ‘wag na silang magbigay ng lingguhang tara sa Bicutan kaninuman maliban sa grupo niya. Ang bali­ta, personal na kinokolekta ni Senense ang para sa kanya. Wala namang masama rito mga suki kung ang sarili lang niya ang dala ni Senense dahil may kasabihan na “buntot mo hila mo.” Subalit iba si Senense dahil pangalan ni DILG Sec. Mar Roxas at NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ang binabanggit niya sa mga kausap na sa sobrang takot ay pinagbibigyan ang mga panghaharabas ng kanyang grupo. Tingnan ko kung may asim talaga si Senense!

Kasama ni Senense sa kanyang pag-iikot si Maj. Echo na markado naman ng Intelligence Group (IG) sa Camp Crame. Kung anong kaso? Wait n’yo lang konti mga suki at mabubunyag din kung ano ang pinagkakaabalahan ni Echo maliban sa laman siya ng mga beerhouse sa Pasay City. Di ba Boss Borbie? Ang mga kolektor naman ni Senense ay sina Falwart sa QCPD, Boy Go sa NPD, Noel de Castro sa MPD, Nilo Espeleta sa SPD at Irinco. Ang numerong gamit ni Senense sa pakikipag-usap sa mga ilegalista ay 09194699407. Hayan Sec. Roxas at Dir. Valmoria may giya na kayo para habulin sina Senense at Echo. Sa pagkaalam ko, nakarating na sa kaalaman ni Valmoria ang masamang gawain nina Senense at Echo at pinaiimbestigahan na sila. Kaya hindi ako magtataka kung sa susunod na mga araw, itatapon na sa Mindanao ang dalawa. Sina Roxas at Valmoria ay nagsisigaw sa madlang people na “no take” talaga sila sa illegal gambling at iba pang illegal. Subalit kapag nagpatuloy sina Senense at Echo, ang ibig sabihin ay “moro-moro” lang ang “no take” nina Roxas at Valmoria? May mga balita na kaya nasibak ang apat na district director ng NCRPO dahil hindi nila nasawata ang illegal gambling at pandarambong sa  hurisdiksiyon nila, kapag nagkataon susunod sa kanila si Valmoria. Kilos na Dir. Valmoria! Abangan!

 

vuukle comment

BICUTAN

BOSS BORBIE

BOY GO

CAMP CRAME

CARMELO VALMORIA

METRO MANILA

SENENSE

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with