^

PSN Opinyon

Maraming problema

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Maraming problema ang ating gobyerno

kaya itong bansa ay waring  magulo;

ang unang problema’y tindera’t tindero

ang paninda nila’y nagtaas ng presyo!

 

Pangalwang problema’y nasa pamahalaan

hindi inaalis mga tampalasan;

maraming nilustay na pera ng bayan

kaya patuloy pang sila’y nangangamkam!

 

Pangatlong problema tayo’y tinatakot

ng bansang malaking ang gusto’y manakop;

sa dami ng tao’t lupaing mabundok

karagatan natin ay gustong makubkob!

 

Isa pang problema’y  mga taong labas

NPA at Abu ngayo’y lumalakas;

mga kawal nating mahina ang armas

sila’y talung-talo daming nauutas!

 

Sa loob ng  bansa ay nagkalat ngayon

mga mamamayang masama ang  misyon;

sila’y magnanakaw saka mga hoodlum

sila’y pumapatay dahil nagugutom?

 

Matinding problema ay ang  mahihirap

dahil ang gobyerno ay kulang sa lingap?

Ang tahanan nila’y ginigiba agad --

walang relokasyon kung saan lilipat?

 

Ang bagyo at baha ay problema pa rin

drainage at estero’y bihirang linisin;

mga negosyante at mga students

stranded sa kalye’t nagiging sakitin!

 

Kaya ang gobyerno kung hindi kikilos

itong ating bansa tuloy sa paglubog

mga lider natin ang dapat tumubos

sa mga problemang sa bansa ay salot!

 

Kung hindi’y paanong babalik sa bansa

ang dating ligayang tila nawawala?

Mga leaders natin kung magpapabaya

tayong mga Pinoy magiging kawawa!

 

vuukle comment

ISA

KAYA

MARAMING

MATINDING

PANGALWANG

PANGATLONG

PROBLEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with