^

PSN Opinyon

Goodbye, NAIA....huhuhu!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi na magtatagal at magba-bye,bye na ang isang opisyal sa Manila International Airport Authority dahil sa mga kapalpakan nangyayari sa paliparan kaya naman lalayas na ito rito sa mga problemang tumama at pumasok sa kanyang utak. Hehehe!

Sana nga, maging totoo ang bulong.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, balak daw ng kamote na magpa-alam sa madlang people dyan sa MIAA pagkatapos daw ng SONA ni P. Noy  pero hindi naman sinabi kung anong petsa o araw siya bibitiw sa kanyang tungkulin?

Ika nga, makapal pa rin!

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang opisyal na ito ay atat na atat maging Bureau of Customs Commissioner pero ang malaking question mark sa kanyang ‘wet dream’ ay kung papayag ang appointing power sa kanyang request?

Sana ayawan ang request!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat na ata ng problema nangyayari ngayon sa Ninoy Aquino International Airport partikular ang ‘worst airport,’ ang ‘goodbye boy’  ang sumalo lahat  dahil ito yata ang ‘gift of God’ sa kanya. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahina na ang opisyal at baka kapag nagkaroon ng mabigat na problema ito dahil sa sama ng loob na nangyayari sa paliparan ay bigla na lamang itong sumpungin at mapunta 
‘6-feet below the ground?’ Hahaha!

Hindi kasi biro ang mga problema sa NAIA na naranasan nito ilan sa mga kasangga nitong bitbit niya sa MIAA ay nagsilayas dahil naging ‘hot’ sa bebot at salapi? Hehehe!

“Ano kaya ang maganda para hindi madagdagan ang kanyang sakit?’ tanong ng kuwagong salawahan.

‘Mag-resign na siya!’

Abangan.

 

 

Ipa-lifestyle check mo!

 

PANAHON na para i-lifestyle check ang mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service para malaman kung sinu-sino ang nagsiyaman sa kanila habang nasa puesto.

Bukod sa balasahan dapat kalkalin ng todo ni Deputy Commissioner for Intelligence Jess Dellosa ang bituka ng kanyang mga tauhan para makilala niya ang mga ito at masibak sa tungkulin bago siya umalis ng bureau.

Kayang-kaya ipa-background check ni Dellosa ang taga - Customs dahil puede niyang gamitin ang ISAFP sa pagbusisi ng ingat yaman ng mga Kamote dahil dati itong Chief of Staff ng Armed Force of the Philippines my Philippines.

“Bukod pa sa mga trusted niyang soldiers na nasa loob ng BOC.’ sabi ng kuwagong urot.

Alam ng madlang people na hindi birong imported smuggled rice, imported vehicles, general merchandise na may palaman ang pumasok sa Port of Cebu.

Nagkaroon lamang ng onsehan sa pera kaya ipinahuli ang billion worth ng mga smuggled imported rice rito.

‘Walang maglalakas loob na mga smuggler ang magpaparating ng kanilang epektos sa isang puerto na walang kausap na bugok sa bureau. Kailangan kasi itong ipagpaalam muna.’ sabi ng kuwagong binukulan.

May rigodon sa CIIS si Dellosa ito rin ang may pakana para ipinatapon ang dapat itapon at kung duda pa siya sa mga kamote dapat sigurong ipabusisi niya ang kabuhayan nito habang maaga.’

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterba na rin taga - bureau ang nag-resign sa kani-kanilang puesto baka kasi makalkal pa ang ingat yaman nila? Hehehe!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Iyong mga kumita ng limpak - limpak na salapi sa pakikipagsabwatan sa mga smuggler ay nagbitiw na rin pero ang pasabi ay ‘they will return’ kapag nawala na si P. Noy sa 2016.

‘Sana ipabusisi agad ni Dellosa ang mga kamote para makasuhan ang mga nagnakaw. Kahit iyong mga may derogatory information puede rin ang BIR ang kumalkal. ‘ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ARMED FORCE OF THE PHILIPPINES

AYON

BUKOD

DELLOSA

HEHEHE

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with