^

PSN Opinyon

Purisima

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKAKATUWA ang mga email ni SSupt. Wilben Mayor ang spokesperson ni PNP chief Alan Purisima hinggil sa walang patid na accomplishment nila laban sa mga wanted person ng bansa. Kasi nga mula noong Enero  hanggang sa kasalukuyan halos wala nang espasyo ang aking email sa wanted persons na naaresto ng mga pulis kabilang na rito si Pag-IBIG Fund scam founder Delfin Lee. Hehehe! Siyempre ang matutuwa rito ay ang sambayanan na humihingi ng hustisya. Di ba mga suki!

Ngunit mukhang may nakaligtaan yata si Mayor na ipa-lathala sa akin, ang naging kahinatnan ng kaso sa pagpatay kay Chief Insp. Elmer Santiago na tinambangan ng mga riding-in-tandem noong Abril sa Mandaluyong City. Ang bali-balita kaya nilikida  si Santiago sa dahilang may hawak na mahahalagang dokumento na nakatakdang isumite kay chief PNP Purisima. Ang hinala ng mga kamag-anakan ni Santiago na kabaro rin niya ang may kagagawan upang maikubli ang malaking sindikato sa imahe ng PNP.

Habang tumatagal ang pag-usad ng kaso ni Santiago lalong tumitibay ang hinala at kutob ng mga kaanak na may Executive Officer ng Philippine National Police ang nasa likod nito. Hinaharang pilit kasi sa Camp Crame ng executive officer na makarating sa opisina ni Purisima ang report ni Santiago kaugnay sa operasyon ng droga at cybersex na umano’y kinabibilangan mismo ng mga kaklase sa PNP Academy Class ’96.

Ang opisyal na pumipigil sa paglabas ng “link diagram” ni Santiago  ang siyang balakid na mabigyan ng hustiya sa takot na posibleng madamay din ito sa gusot kung kaya pilit na gumagawa ng paraan upang mailigaw ang imbes­tigasyon. Kasi naman sa dinami-dami nang naiugnay na commissioner officer at non-commissioned officer sa kasong pagpatay kay Santiago ay kinakabahan ang Crame exec na may madulas na mabanggit ang pangalan niya na sangkot din sa operasyon. 

 

Dapat mismong si Purisima na ang  dapat na kumilos sa kasong pagpatay kay Santiago upang maibsan ang bulung-bulungan sa bakuran ng PNP na may mga sangkot na opisyal sa pagpakalat ng droga sa bansa. Kalusin muna chief Purisima ang mga “demonyo” sa PNP ng maipatupad mo ang  programang “Daang Matuwid” ni Pangulong Benigno Aquino III. Idagdag n’yo na rin si alyas “Nene Tan” na binansagang “Cybersex Queen” sa Rizal, chief Purisima sa imbestigasyon. Kilala rin  umano si Tan bilang “Neneng Hang” na naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration dahil sa kuwestyunableng citizenship. Kasi nga bukambibig at ipinagyayabang pa nitong si Tan na di siya kayang ipakulong dahil may jowa siyang taga-Malacañang. Abangan!

ACADEMY CLASS

ALAN PURISIMA

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP CRAME

KASI

PURISIMA

SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with