^

PSN Opinyon

‘Ang anghel na guilty (?)’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG MGA LALAKING kalilipas lamang ang kanilang pagiging teen ager maraming gustong patunayan sa kanilang buhay. Merong gustong maging macho, merong gustong uminom, merong trip lang ang lahat sa buhay. Kapag pinagsama-sama mo ang mga ito sa harap ng tama ng espiritu ng kanilang iniinom siguradong malulunod sila sa isang malaking problema.

“Nagdurusa siya ng walang kasalanan sa kulungan. Hindi niya talaga kilala ang mga yun,” pahayag ni Lilia.

Naitampok namin sa aming pitak ang kwento ng umano’y panggagahasa ng anak ni Lilia Domingo na si Angel Domingo kasama ang tatlo pang suspek. Pinamagatan namin itong “Mga tinik sa bulaklak”.

Matatandaan na madaling araw ng Mayo 16, 2009 nang magkainuman sina Jayvee Soriano, Jeffric Esusan, Angel Domingo at Marjun Reig sa bahay ni Fe Soriano ina ni Jayvee.

“Bumili ng yelo si Jayvee. Mahirap tanggalin kaya isinunod niya sa bahay nito. Umuwi din siya kaagad,” wika ni Lilia.

Dalawang tagay pa lang umano ng ‘Brandy’ ang naiinom ng biktima na itinago namin sa pangalang “Jasmine” nang makaramdam siya ng hilo.

Sa salaysay ni Jasmine, nakita siya ni Marjun at Jeffric. Pwersahan siyang binuhat at iniakyat sa kwarto. Sumunod umano sina Jayvee at Angel. Inihiga siya sa kama at pinilit siya ni Jeffric na uminom ng likidong kulay brown. Malapot umano ito di gaya ng kanilang iniinom na alak.

Hinawakan umano siya sa magkabilang kamay at pinatungan ni Jeffric. “Hinalik-halikan niya ako sa lips, sa dibdib at sa boobs ko, tinanggal niya ang lock ng bra ko,” ayon kay Jasmine.

Si Marjun naman umano ang nagbaba ng kanyang pantalon. Sapilitan umanong ipinasok ni Jeffric ang ari nito sa kanya. Sumunod napumatong sa kanya ay si Jayvee at ganun din ang ginawa. Pangatlong humalay sa kanya ay si Angel at ang huli ay si Marjun. Dala ng panghihina nawalan ng malay si Jasmine.

Kinabukasan ng alas otso nagising siyang katabi si Marjun. Sinabihan siya nito na ayusin ang kanyang pantalon. Pagtingin niya, nakababa ito hanggang hita at bukas pa rin ang kanyang bra.

Ika-17 ng Mayo 2009 nang masabi ni Jasmine ang nangyari sa kanyang kapatid. Agad silang nagtungo sa Kamuning Police Station 10 upang magsampa ng reklamo.

Dinampot na ng mga pulis ang mga suspek at agad kinulong. Habang nakakulong si Marjun nagkasakit ito at dun na namatay sa sobrang depresyon.

Depensa ng mga suspek, kaya lamang umano nagdemanda itong si Jasmine ay dahil nagalit ito nang malamang may asawa’t anak na si Jeffric. May gusto umano ang biktima rito. Imposible rin umanong mangyari ang panghahalay dahil maliit ang lugar at nandoon ang ilang kamag-anak ni Jayvee sa katapat na kwarto.

Ayon sa resulta ng medical examination ni Jasmine, “shallow healed laceration at 2 at 9 o’clock position”.

Sinabi rin ng medico legal officer sa korte na nagkaroon ng slight physical injuries, pasa sa labi at abrasion sa may hita.

“Sa unang salaysay ng biktima hindi niya sinabing nakita niya si Angel. Tatlo lang ang nanghalay sa kanya. Nang magbigay siya ng supplemental affidavit saka lang nadamay ang anak ko,” ayon kay Lilia.

Makalipas ang ilang taong pagdinig sa kaso habang nakakulong ang mga suspek, ika-13 ng Pebrero 2014 naglabas ng desisyon si Presiding Judge Charito B. Gonzales.

May apat na suspek sa simula ng kaso ngunit dahil sa namatay si Marjun nadismiss ang kaso laban dito.

Ayon sa Hukom diretso at siya’y walang duda na siya’y ginahasa umano ng apat na mga suspects. Naaalala niya at naidetalye ang mga pangyayari sa isang maayos at walang kagatul-gatol na paraan.

Ang deklarasyon nila ay nakaugat sa alibi o denial at sa panimbang ng Hukom o sinumang taga-usig hindi kaya nitong baliktarin ang diretsong pahayag ng biktima.

Una, na ang mga suspek na nakilala ng biktima na mga taong gumahasa sa kanya. Isa muna pagkatapos pumapalit naman ang isa pa, habang pinipigilan ng iba para siya’y hindi makagalaw.

Pangalawa, sa testimonya ng mga natitirang suspek inamin nila na silang apat at ang biktima ay nasa iisang bahay nang mga panahon at oras kung saan naganap ang panghahalay.

Hindi kumbinsido ang korte sa kanilang mga sinasabi dahil hindi naman sila nagbigay ng mga kapani-paniwalang ebidensiya para suportahan ang kanilang pahayag. Ang mga suspek ay may sapat na panahon upang maghanap ng mga testigo ngunit ang tanging testigo lamang nila ay ang ina ni Jayvee.

Hindi pare-pareho ang testimonya nito kung ano ang itsura ng pinangyarihan, nasaan at ano ang kanyang ginagawa ng mga nasabing oras at pagkatapos.

Nagsumite sila ng print-out ng Facebook post nito na ‘Napakasarap magdrama sa klase namin lalo na sa isa kong napakasinungaling at nagpapanggap na tao. Ha ha ha. Social climber’. Para sa hukom hindi sapat na ebidensiya ito at pati ang ang sinumpaang salaysay ng ina ni Jayvee na ito’y matuturing na self serving. 

Ang paggamit ng pwersa ay naisalaysay ng maayos at hindi pabago-bago ng biktima hindi lamang sa pagpigil sa kanyang makagalaw ngunit maging ang pagpilit sa kanyang uminom ng isang likido na naging dahilan ng kanyang pagkahilo at mga pasa kahit dalawang araw na ang nakalipas at higit sa isang tao ang nanghalay sa kanya.

Malinaw na ang mga ebidensiya ng biktima ay hindi napabulaanan ng mga suspek na ang depensa ay puro DENIAL o pagkakaila lamang.

Base sa mga ebidensiyang inihain sa korte, sina Jayvee Soriano, Jeffric Esusan at Angel Domingo ay ‘GUILTY Beyond Reasonable Doubt’ sa kasong Rape at sila’y pinaparusahan ng Reclusion Perpetua o Habang Buhay na pagkakulong.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito nina Angel.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, bagamat walang tigil ang iyak ni Gng Lilia Domingo dahil wala naman raw talagang kasalanan ang kanyang anak ipinaliwanag namin sa kanya na kapag ang desisyon ay Reclusion Perpetua o ‘life imprisonment’ merong automatic review. Ganun pa man ini-refer namin siya sa Appeals Division ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Main Office kay Chief Persida Rueda Acosta. Nakatanggap kami ng sulat mula sa PAO at nakasaad dun na nakagawa na ng apela para rito.

Ang Korte Suprema ay tinitingnan kung may nalabag na batas (trial of law) o hindi ang mga merito (facts). Titingnan nila kung ano ang mga ‘reversible errors of law’ o maaaring baliktarin na hindi nakita ng Hukom na may kinalaman sa batas at aaksiyunan nila ito. Matapos masabi natin ito wala kaming masasabi kay Gng. Lilia kundi hintayin natin ang desisyon ng korte Suprema at manalig sa panginoon na kung wala talagang kasalanan ang anak niya matanggal siya sa listahan ng mga akusado.

 (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

ANGEL DOMINGO

BIKTIMA

JAYVEE

JEFFRIC

MARJUN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with