‘Pilipinas, palaruan ng mga sex offender’
NITONG a-bente sais ng Abril at a-tres ng Mayo, muling magkasunod na ipinalabas ng BITAG ang dalawang serye ng Megan’s Law.
Ito ang batas na ipinatutupad sa bansang Amerika na nagmo-monitor sa mga sex offender o ‘yung mga indibidwal na nasangkot o gumawa ng krimeng may kinalaman sa pangÂhahalay, pang-aabuso, pangmomolestiya at pakikipag-talik sa mga menor de edad. Tinawag itong Megan’s Law matapos napatunayang ginahasa ng lalaking kapitbahay ang pitong taong gulang na batang si Megan Kanka noong taong 1994.
Sa prosesong ipinatutupad ng mga awtoridad, obligadong mag-report ang mga sex offender sa kanilang nakatalagang parole officer limang araw bago at pagkatapos ng kanilang kaa-rawan at kung lilipat man sila ng tirahan. Mayroong nakalagay na GPS sa kanilang mga binti para ma-monitor ang kani-kanilang lokasyon. Maliban dito, naka-upload o nakarehistro rin sa free public website ng Estados Unidos ang mga mukha, pangaÂlan, address at mga pagkakakilanlan ng isang sex offender.
Karapatan ng bawat mamamayan na malaman kung sino ang mga sex offender para masigurong ligtas sila sa kanilang komunidad partikular ang mga batang babae.
Taong 2009, naidokumento ng BITAG Investigative Team ang isinagawang Compliance Check ng mga detective sa Amerika.
Nabatid na dalawa sa mga wanted, isang sex offender at may kasong embezzlement o pagdispalko ng malaking halaga ng pera, tumakbo na sa Pilipinas at iniwan na ang kanilang masalimuot na buhay sa Amerika. Walang kahirap-hirsap, nakapasok at nakapag-apply agad sila ng dual citizenship.
Kapag nakakuha ang isang indibidwal ng dual citizenship, may proteksyon na siya sa kaniyang karapatang manatili at hindi agad maipa-deport sa bansang may pinananagutan siyang batas.
Malaki ang pagkakaiba ng pagpapatupad ng batas sa Estados Unidos at Pilipinas. Aminado ang National Bureau of Investigation na napakaluwag ng batas sa bansa.
Walang nagmo-monitor o walang batas para sa mga sex offender, mapa-dayuhang pumapasok man o mismong mga mamamayang nakagawa ng krimen. Kaya ang mga pugante, malaya pa ring nakakalabas at nagagawa anuman ang gusto nilang gawin. Ayon sa NBI, karamihan pa nga sa mga kasong ganito, mismong mga pamilya pa nila ang kumakanlong at inaareglo nalang ang kaso para itago ang kanilang kahihiyan.
Ang biometrics ang isa sana sa mga sagot para matukoy ang bawat pumapasok na “wanted†mula sa ibang bansa. Subalit, ayon sa Bureau of Immigration¸wala pang ganitong mga teknolohiyang nakatalaga sa mga paliparan sa Pilipinas. Nakabase pa rin sila sa kapasidad ng mga nakatalagang Immigration officer na mano-manong nagmo-monitor at nagsasala ng bawat dumarating na indibidwal.
Sa kasalukuyan, lingid sa kaalaman ng mga mamamayan, maraming mga pagala-galang sex offender sa bansa. Normal na namumuhay sa Pilipinas dahil sa kahinaan ng batas at sistema.
Ang Sex Offender (Megan’s Law) Part 1 at Part 2 ay mapapanood sa bitagtheoriginal.com click “New Generation.â€
- Latest