Claim sa dagat imbento lang
GUNI-GUNI lang ng Chinese Communist Party sa Beijing ang “historic rights†sa buong South China Sea. Nu’ng agawin ang Scarborough Shoal mula sa Pilipinas, sinabi ng Beijing na ‘yon ang Huangyan Island nila. Dati raw ‘yon tinawag na Nanhai Island ni Guo Shoujing, astronomer-engineer-mathematician na bumisita doon nu’ng 1279. Inutusan kasi siya ni Emperor Kublai Khan na i-survey ang kalendaryo.
Binabaluktot ng Beijing ang kasaysayan. Katunayan:
• Iba’t malayo sa Scarborough ang Nanhai (Huangyan). Sa opisyal na pahayag ng Beijing foreign ministry nu’ng Enero 1980, “China’s Sovereignty Over Xisha and Zhongsa Islands Is Indisputable,†tinukoy na ang Nanhai ay nasa Xisha. At saan ang Xisha? Ito ang Paracel Archipelago sa gilid ng Vietnam na inaagaw din ng Beijing, 380 nautical miles mula Scarborough. Inulit pa ito nu’ng sumunod na buwan sa opisyal na Beijing Review.
• Metikuloso si Guo Shoujing. Nagtayo siya sa Henan pro-vince ng 27 malalaki’t tig-12.6 metrong taas na observatory towers. Doon niya sinukat araw-araw ang eksaktong haba ng isang taon. Mapagkakamalan ba ng gan’ung henyo ang Scarborough na Nanhai na gan’un kalayo? Ni hindi siya maka-kababa sa Scarborough, dahil anim na matatalas na bato ‘yun, nakalitaw sa dagat nang dalawang metro lang tuwing low tide.
• Pinaka-timog na border nila sa South China Sea ang James Shoal, giit ng Beijing. Ito’y 50 milya mula Sarawak, Malaysia, at 850 milya mula mainland China. Lubog ito sa tubig nang 22 metro -- kaisa-isang national border sa mundo na underwater. Inangkin nila ito nu’ng 1933, matapos isalin sa Chinese ang pangalan ng mga isla, bahura, at batuhan sa mapa na ginawa ng British Admiralty nu’ng 1850s. Pati 20 mali kinopya nila.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest