EDITORYAL - Mag-apologize sa HK para matapos ang isyu
BAKIT napakahirap tanggapin ng gobyerno na nagkaroon ng pagkakamali sa pag-rescue sa walong Hong Kong tourists noong Agosto 23, 2010 kaya napatay ang mga ito ng isang nadismis na pulis. Nakita naman nang lahat o nang buong mundo sa telebisyon ang hostage drama kung paano nagkaroon ng kapalpakan ang Manila police para ma-rescue ang mga turista. Hindi nakaÂgawa ng epektibong paraan ang pamahalaan kung paano makukumbinsi ang hostage taker na si Senior Insp. Rolando Mendoza na pakawalan ang mga turista habang nasa bus. Sa halip na payapain ang pulis, lalo pang lumala nang arestuhin ang kapatid din nitong pulis sa utos ni Manila mayor Alfredo Lim. Ang aksiyon na iyon ang nag-trigger para magwala pang lalo si Mendoza.
Mula nang mangyari ang insidente nagkaroon na nang hindi magandang relasyon ang Pilipinas at Hong Kong. Hindi na nakapagtataka sapagkat mahirap tanggapin ng bansang namatayan ang pangyayari. Kung mga Pilipino ang nalagay sa ganoong sitwasyon --- kung sila ang napatay sa bansang kanilang pinuntahan, tiyak na magdedemand din na humingi ng apology.
Pero sa kabila nang pagde-demand ng Hong Kong na mag-apology ang Pilpinas, wala namang ginagawa ang gobyerno. Ang tanging kumilos para mawala ang poot ng Hong Kong ay si Manila mayor Joseph Estrada kung saan ay nagtu-ngo siya roon para personal na humingi ng apoloÂgy. Pero hindi nasiyahan ang Hong Kong at mas gustong ang gobyerno ng Pilipinas mismo ang mag-isyu ng apology. Ginawa naman ni Estrada ang paghingi ng apology sa Hong Kong dahil sa Maynila nangyari ang madugong hostage taking.
Nararamdaman na ang ngitngit ng Hong Kong na may kaugnayan sa hostage issue nang ipag-utos na kailangang may visa na ang sinumang opisyal ng Philippine government na magtutungo sa kanilang bansa. Unang napabalita na lahat ng Pinoy ay kailangang kumuha ng visa kung magtutungo roon. Ano pa ang susunod? Baka maapekÂtuhan na ang mga OFW doon, posible ito.
Ang gobyerno ang makasasagot dito. Humingi ng apology para matapos na ang isyu.
- Latest