P1.07 bilyon saan dinala ni Alcala?
DINEMANDA muli ng plunder noong Biyernes si Agriculture Sec. Proceso Alcala. Kasama si president Honesto Banigued ng National Agribusiness Corp. (Nabcor), kung saan chairman si Alcala, sa P1.07-bilyong sakdal. Pangalawang plunder complaint na ito laban kay Alcala, ni Sanlakas Party lawyer Argee Guevara. Ang una’y tungkol sa P457-milyong overprice sa pagbili nina Alcala at National Food Authority administrator Orlan Calayag ng bigas mula Vietnam nu’ng 2013.
Halaw sa findings ng Commission on Audit ang sakdal. Hindi umano maipaliwanag ng Nabcor ang paggasta P11.4 bilyon: P5.6 bilyon nu’ng 2009-2011, at P5.8 bilyon nu’ng 2012-2013. Tinuon ni Guevara ang pansin sa P1.07-bilyon bahagi ng pera nu’ng 2012-2013, binubuo ng:
• P807.6 milyon na walang Disbursement o Journal Vouchers;
• P31.4 milyon na walang pirma ng signatories ng DA at Nabcor;
• P53.4 milyon na wala sa librong “joint ventures†ng Nabcor sa 10 munisipyo;
• P156.2 milyon na walang papeles na mga proyekto;
• P10.3 milyon para sa private consultant sa negosasyon ng Nabcor sa Philippine Deposit Insurance Corp., na sa gobyerno rin; at
• P23.6 milyon na ibinayad nina Alcala at Baniqued sa sarili na suweldo at allowances.
Paulit-ulit nang pinagpapaliwanag ng COA ang Nabcor sa nawawalang pondo. Anang Korte Suprema sa kasong Wa-acon v People of the Philippines, kapag sinuway ng isang opisyal ang mga utos ng COA, ipagpapalagay itong nambulsa ng nawawalang halaga.
Notorious ang Nabcor sa pagkasangkot sa P10-bil-yong pork barrel scam ni Janet Lim Napoles nu’ng 2008-2009. Nagbayad ang ahensiya sa mga pekeng proyekto ng mga senador at congressmen.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest