^

PSN Opinyon

Paano maipatutupad?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAANO kaya maipatutupad ang bagong batas sa Quezon City na nagbabawal na sa squatting? Nilagdaan na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang bagong batas na nagbabawal sa pagtayo ng mga iligal na gusali at bahay sa mga lupain na hindi naman pag-aari nila. Sa madaling salita, mga informal settlers kung tawagin. Ang tinutukoy ng batas ay ang mga umano’y professional squatters na may kakayanan namang bumili ng sariling lupain, o kaya’y nagtatayo na lang ng mga gusali sa kahit saan bakanteng lupain para gawing tahanan o tindahan na pauupahan. Inatasan niya ang mga opisyal ng barangay na mamuno sa pagpapatupad ng batas. Ang sinumang mahuling nagtatayo ng iligal na istraktura ay bibigyan ng pagkakataong tibagin ang itinatayo. Kung hindi susunod, maaaring paalisin na lang kahit walang utos ng korte, base sa ilang kundisyon.

May nakikita na akong mga problema sa batas na ito. Isa, mga kasalukuyang itinatayong istraktura lamang o mga itatayo pa lang ang sakop umano ng bagong batas. Walang binabanggit sa mga nakatayong tahanan sa mga lupain na hindi rin nila pag-aari. Walang binabanggit sa informal settlers na matagal na ring gustong paalisin ng mga lehitimong may-ari ng mga lupain. At napakarami niyan sa QC.

Pangalawa, mga opisyal ng barangay ang inatasan na mamuno sa paghuli sa mga ito. Pero sino ba ang karamihang bumoto sa mga opisyal na iyan? Hindi ba’t mga botanteng nakatira rin sa mga komunidad ng informal settlers? Paano nila ipatutupad nang maayos kung mga balwarte nila ang target ng bagong batas? Babanggain ba nila ang mga bumoto sa kanila?

Kaya hindi ko alam kung paano maipapatupad ang batas na ito. Matagal nang problema ng QC ang informal settlers. Ilang marahas at madugong demolisyon na ang naganap nitong mga nakaraang taon, pero kung mapaalis man ay tila lumilipat lang sila ng lugar. Ilang komunidad ay lumaki na ng sobra-sobra, dahil sa kapabayaan ng lokal na pamahalaan. Binibigyan lamang ng pansin kapag may malakas na panawagan at kapag tapos na ang eleksyon, hindi ba?

BABANGGAIN

BATAS

BINIBIGYAN

ILANG

INATASAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with