^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige pa, LTFRB!

Pilipino Star Ngayon

NAGPAKITA na ng pangil ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Sana umpisa na ito. Kahapon, kinansela na ng LTFRB ang prankisa ng Don Mariano Transit Corporation (DMTC). Ito ay makaraan ang 30 araw mula nang dumayb ang isang bus ng DMTC mula sa skyway na naging dahilan ng kamatayan ng 20 katao kasama ang drayber. Dahil wala nang prankisa, hindi na makabibiyahe ang 75 bus ng DMTC. Pero sabi ng abogado ng DMTC, mag-aapela sila sa pinataw na pagbawi ng prankisa sa DMTC. Paano raw mababayaran ng DMTC ang mga biktima kung hindi sila makakabiyahe?

Nakunan ng CCTV noong Disyembre 16 ang Don Mariano (Body No. 861 at may plate number UVC 916) habang pagiwang-giwang na tumatakbo sa skyway. Mabilis ang takbo ng bus na ayon mis­mo sa nangangasiwa ng skyway ay maaaring lampas 100 kph. Basa ang kalsada sa skyway dahil katatapos lamang ng ulan. Kaya ang sabi ng mga awtoridad, over speeding ang drayber at hindi na niya makontrol ang bus at nagdayb mula sa skyway.

Umano’y marami nang kinasangkutang aksi- dente ang mga bus ng Don Mariano sa mga nakaraang panahon at nakapagtatakang hindi ito nababawian ng prankisa. Nakailang palit na ng hepe sa LTFRB pero walang makapaglakas ng loob na kanselahin ang DMTC. Tanging sI LTFRB chairman Winston Ginez ang nagkaroon ng kakayahan para maigaraheng tuluyan ang mga bus ng Don Mariano.

Subalit hindi kaya retokehin ang mga bus ng DMTC at bigyan ng bagong pangalan. Ayon pa sa report, napakaraming bus ang may-ari ng Don Mariano at hindi kaya gamitin ang mga ito sa iba pa nilang bus company. Puwedeng pinturahan ang mga bus ng DMTC at kung magkaganito, muli na naman silang makabibiyahe at maaaring maulit ang insidente.

Naniniwala kami na hindi na mababago ang pasya ng LTFRB sa kaso ng DMTC. Magkaisa naman ang mga kaanak ng mga biktima para bantayan ang DMTC  para hindi ito makatakas sa obligasyon sa mga kawawang biktima.

vuukle comment

BODY NO

BUS

DMTC

DON MARIANO

DON MARIANO TRANSIT CORPORATION

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with