Hataw pa Sec. Roxas!
NOONG Sabado kumembot nang walang kiyeme ang mga pulis sa “Hataw Na†Program ng Philippine National Police sa Camp Crame. Umindayog ang mga balaÂkang at umalon-alon ang mga naglalakihang tiyan ng mga opisyales ng PNP at mga pulis sa saliw ng “Zumbaâ€. Bahagi umano ito ng pagkukundisyon ng mga panga-ngatawan ng mga pulis to improve and set the general physical well-being of the police personnel at par with the standards of other police officers in the world and to instill discipline to maintain a healthy lifestyle. Hanep ah!
Siyempre hindi nagpahuli si DILG Secretary Mar Roxas sa naturang programa dahil ang PNP ay nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa. Ngunit nangasim ang mga sikmura ng mga taga Panay Island. Sa ganitong kasiyahan pala ay madaling maanyayahan si Roxas. Nang hambalusin at lumpuhin ng Bagyong Yolanda ang mga lalawigan ng Capiz, Iloilo, Aklan at Antique ay mabibilang sa daliri ang tulong na ipinaabot ni Roxas sa mga nasalanta. Mabuti na lamang at bukas-palad na tumulong ang Canadian government at mga taga-Sultan Kudarat sa pagtindog ng Capiz, hehehe!
Subalit ngayon ay nakangingiti na ng hanggang tainga si Roxas dahil nakakasiguro na siya sa mga lalaÂwigan na hinambalos ni Yolanda na mabilis ng nakapagtayo ng bahay at naibalik sa normal ang kanilang pamumuhay. Sa sariling sikap nila mga suki!
Kaya noong Sabado todo hataw si Roxas kasama si PNP chief Director General Alan La Madrid Purisima sa pagsayaw ng “Zumba†sa Crame. Kaya ang tanong tuloy ng aking mga kausap sa Manila Police District (MPD), siÂmuÂla na kaya ito para matuldukan ang kabangisan ng mga riding-in-tandem? Halos araw-araw ay may itinutumÂba ang mga riding-in-tandem sa maraming panig ng bansa at hanggang sa kasalukuyan, wala pang nadadakam ang mga pulis.
Ang paglaganap ng illegal na droga ay dapat pagtuunan din ng pansin ng PNP at ni Roxas. Ang ugat ng kriminalidad sa ngayon ay ang pagkagumon sa shabu. Hindi na dapat ipagwalambahala ang bulto-bultong shabu na nahuhuli ng PNP-AIDSOTF at PDEA kaya malaki ang paniniwala ng aking mga nakausap na marami pang shabu laboratory ang mga sindikato. Idagdag pa ang mga ipinalalaman ng drug syndicate sa mga cargo container na inilalabas sa Bureau of Customs.
Kaya ang marapat na gawin ni Roxas at Purisima ay amuy-amuyin na mula ngayon ang mga pinaghihinalaang laboratoryo at maging ang mga dumarating na kargamento sa pier para tuluyang malumpo ang operasyon ng drugs syndicate sa bansa. Sayang naman ang inyong pawis kung walang maipipresenta sa taumbayan na mga riding-in-tandem at drug lord. Nararapat na masupil ang mga ito para sa ikapagtatagumpay ng programa ni President Noynoy Aquino na “tuwid na Daanâ€. Di ba mga suki?
Abangan!
- Latest