Walang nakikita habang kumikita
MAY mga kaibigan ako sa Bureau of Customs (BOC) na career officials at miyembro ng press corps. Halos lahat sila ay may alam sa smuggling operations ni David Tan na ayon sa mga ulat ay matagal nang point man sa BOC ng smugglers sa buong bansa. Humigit-kumulang umabot na diumano ng P6 billion ang naihatag na lagay ni Tan sa taga-Customs sa loob lamang ng dalawang taon para maipalusot ang smuggled items niya at mga ka-sindikato.
Naabutan na diumano ni Gen. Danilo Lim, dating Deputy Customs Commissioner for Intelligence, si Tan pero mukhang wala itong nakita ni anino man lang nito noong nanunungkulan pa siya. Ultimo ‘yung 2000 containers na naipalusot noon sa pier ay hindi nahanap ni Lim na para bang siya ay naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami.
At ngayon, enter former AFP chief of staff and former four-star general Jessie Dellosa na pumalit kay Lim. Hanggang ngayon, hindi rin matukoy ni Dellosa kung sino ang nagpalusot ng 2000 containers samantalang ang usap-usapan naman sa Aduana ay si Lucio Lao Co, may-ari ng Pure Gold supermarkets ang nagpalusot niyon.
Si Mr. Jesus Arranza, ang ginagalang na pangulo ng Philippine Industries Inc. ay nagpahayag sa mga diyaryo dalawang linggo na ang nakararaan na may alam siya tungkol kay David Tan o Davidson Tan Bangayan na isang metal scrap dealer noon sa Davao City. Matapos ang dalawang linggo nang nakakabinging katahimikan, nagsalita na si Dellosa. Ayon sa report ng isang diyaryo: “Dellosa, a former Armed Forces Chief, has expressed willingness to cooperate with the Federation of Philippine Industries (FPI) in unmasking Tan.†Hesusmaryosep Jessie Dellosa, ikaw ang dapat mag-operate laban kay Tan at hindi lamang mag-“cooperate.â€
- Latest