Naninipa ang kabayo
BAGO simulan ang main topic, nakikiramay tayo sa pamilÂya ng yumao nating kaibigan na si Alfredo O. Cuenca na nagsilbi sa Malacañang bilang speechwriter ng ilang henerasyon ng mga Pangulo. Isa rin siyang manunulat at makata sa wikang Inggles na nakapaglimbag na ng ilang aklat ng mga tula.
Timing na timing sa araw ng Pasko ang kamatayan ng aking tokayong si Al, December 25 sa edad na 76. Sabi ko nga sa anak ni Al na si Erwin, very providential ang pagpanaw ng iyong tatay sa panahong isinilang naman ang ating Mesiyas na si Jesus Christ. Nakaburol ang mga labi ni Al sa St. Peter Memorial, Kings Chapel sa Quezon Avenue, Quezon City at ang libing ay pansamantalang nakatakda sa Enero 4.
* * *
Sa calendar ng mga Intsik, ang 2014 ay tinatawag na Year of the Horse. Taon ng Kabayo. Ang nakalipas na taong 2013 ay Year of the Snake naman. Para sa mga Kristiyano, ang lahat ng taong lumilipas ay tinatawag nating Year of the Lord.
Kapag ipinangalan kasi natin ang mga taon sa mga hayop, ang mga hayop na ito ay may mga hindi magandang katangian na puwedeng sabihing maghahatid ng malas sa taon.
Kaya huwag na sana tayong maki-ayon sa paniniwala ng iba. Pero granting na naniniwala ako, analisahin natin ang katangian ng kabayo.
Under the so-called Year of the Horse, I hope our situation lalu na sa Pilipinas will not go from bad to worse. Hindi ako naniniwala sa Feng Shui pero siguro sasabihin ng mga mangÂhuhula na malas ang horse because it rhymes with worse.
Pero dalangin ko na magkaroon ng radikal na reporma sa pamahalaan sa sinumpaang adhikain ng Pangulo na matamo ang “matuwid na daan†at tuluyang sugpuin ang mga katiwalian sa gobyerno.
Hindi ba ang kabayo ay kilala sa katangian nitong malakas manipa? Sa sipain ng Pangulo ang lahat ng mga tiwali at hindi mapagkakatiwalaan sa gobyerno nang walang sinasanto.
Isa pang positive trait ng kabayo ay mabilis tumakbo. Sana bumilis din lalu ang pagyaman ng bawat Pilipino. Happy New Year sa lahat.
- Latest

















