Kickout hindi walkout
ANG phrase na “risk reduction†ay kapareho lang sa phrase na “uncertainty reductionâ€. Ang ibig sabihin nitong dalawang magkaparehong usapin ay ipapaliwanag ko sa pamamagitan ng Q and A: Tinututukan bang mabuti ng gobyerno ang “uncertainty†na si Yolanda hangga’t umabot ang panunutok nito sa isang point in time na masasabi na nito na “reduce†na ang “uncertainty†na si Yolanda into a “certaintyâ€? Certainty of what? Certainty na magaganap na o certainty na hindi na magaganap ang pananalasa ni Yolanda.
Mukhang ang sagot ay hindi natutukan nang husto ng gobyerno si Yolanda bago pa ito nag-landfall. Mukhang natulog sa pansitan ang gobyerno kaya hindi ito nakapagbigay ng sapat na warning o nakapaglikas sa tiyak na kapahamakan sa mga taga-Tacloban at karatig na lugar.
Kitang-kita naman ng lahat sa CNN at BBC mga tatlong araw pa bago nag-landfall si Yolanda na ito ay may taglay na 315 kph winds. Mukhang hindi naintindihan ng mga NDRRMC kung gaano ka-destructive ang bagyong may taglay ng 315 kph winds. Kaya ang tanong ko sa NDRRMC na ang ibig sabihin ay National Disaster Risk Reduction Management Council, anong “risk†ba ang na “reduce†o na “manage†ninyo? Bakit 4,000 ang mga nangamatay sa pananalasa ni Yolanda? Ang Executive Director ng NDRRMC na si Gen. Eduardo del Rosario ay nagyabang pa bago nanalasa si Yolanda na ang inaasahan niya ay “zero casualtyâ€.
Patunay lang na hindi alam ni Del Rosario kung gaano ka-destructive ang isang bagyong may 315 kph winds. Imposibleng magka-zero casualty sa bagyong may lakas na 315 kph winds. Matapos ang pananalasa ni Yolanda, dumalo si P-Noy sa meeting sa NDRRMC at sa asar kay Del Rosario, nag-walk out ang Presidente sa meeting. Ginoong Presidente, hindi walkout ang dapat nangyari kundi kickout.
- Latest