^

PSN Opinyon

Diok or No Diok?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

“MAY mga nanggugulo sa usapin sa pork barrel scam”. Iyan ang mariing sinabi kamakailan ni Presidente Noynoy sa isang televised statement. Kagagawan daw ito ng mga Solons na kasabwat ni Janet Napoles sa P10 bilyong pork barrel scam. Matalino naman ang taumbayan para maunawaan ang isyung ito.

Iyan daw ang dahilan kaya pinagdidiskitahan ang discretionary fund ng Pangulo na ang layunin ay  mapabilis ang  paggamit ng pondo. Ito yung tinatawag na Disbursement Acceleration Program o DAP.

Idinedepensa ni P-Noy ang DAP dahil ginagamit sa mga programa gaya ng health care at low-cost housing sa mga mahihirap. Mahalagang talakayin natin ito para maunawaan natin kung ano nga ba ang DAP.

Mas mabuting maliwanagan tayo kaysa mabilis na magpatangay sa panghihikayat lamang ng iba.

Anang Palasyo, tinutustusan ng pondo ang Lung Cen-  ter of the Philippines’ pediatric pulmonary program, Philippine Children’s Medical Center at Lungsod ng Kabataan sa mga medical equipment at National Housing Authority (NHA) para sa pabahay sa mahihirap. Ang isa pa raw  programang tinutustusan ng DAP ng P1.1 billion ay ang TESDA, para lumikha ng may 50,000 karagdagang trabaho at makagawa ng multiplier effects sa ikasusulong ng ekonomiya.

Para kay dating Budget Secretary Benjamin Diokno “bad” ang DAP na galing daw sa forced savings. Ang pag­lipat daw nito sa ibang ahensya ay bawal.  Ngunit ayon kay ex-Chief Justice Art Panganiban, may poder ang sino mang Pangulo na gawin ito ayon sa Art. VI, Sec. 25 (5) ng Constitution na nagsasabing: “the President, the President of the Senate, the Speaker of the House of Representatives, the Chief Justice of the Supreme Court, and the heads of the Constitutional Commissions may, by law, be authorized to augment any item in the general appropriations law for their respective offices from savings in other items of their respective appropriations.”

Ang DAP daw ay matagal nang practice ng ibang naging Pangulo gaya ni Fidel Ramos. Ayon kay Speaker Feliciano Belmonte, mismong ang ex-Budget chief ni FVR na si  Salvador Enriquez ang kumumpirma  sa kanya nito.

Tutol si Diokno sa “forced savings” pero noong panahon ni Pangulong Erap, siya mismo bilang kalihim ng badyet ang tumapyas ng P10 bilyon ang IRA o internal revenue allotment ng mga local government units para sa “forced savings.”  Kaya ang tanong ng maraming nanggigigil mabilanggo ang mga big fish sa pork scam: Gusto lang bang ilihis ni Diokno ang usapin sa mga tunay na nagkasala sa pamamagitan ng pagbatikos sa DAP ni Noynoy?

 

ANANG PALASYO

BUDGET SECRETARY BENJAMIN DIOKNO

CHIEF JUSTICE ART PANGANIBAN

CHIEF JUSTICE OF THE SUPREME COURT

CONSTITUTIONAL COMMISSIONS

DAP

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with