Kakanta rin iyan!
MAY pakiramdam akong may gustong ipagtapat si Janet Lim Napoles kaya nag-request siya ng executive session kamakalawa sa ginaganap na televised hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ngunit tahasang tinanggihan ng komite ang hiling ni Napoles. Nagkakaisa ang mga senador sa pangunguna ni TG Guingona na pareho lang naman kung magsasalita si Napoles sa publiko o sa isang closed door na pagpupulong. Oo nga naman. Malalaman din naman ng publiko ang ano mang sasabihin niya sa pamamagitan ng media. Pero halatang may pinangingilagan si Napoles. Aligaga siya at hindi maipinta ang mukha.
Palagay ko lang, nangatog sa takot si Napoles sa babala ni Sen. Miriam Santiago na posibleng ipaligpit siya ng senador na dawit sa pork barrel scam para tuluyan nang mabaon sa hukay ang lihim. Ang tinutukoy ni Miriam ay ang kanyang mortal na kalaban sa Senado na si Sen. Juan Ponce Enrile.
Ibang klase si Miriam. Only she can make such serious allegation and get away with it. Sabi niya kay Napoles, kung ilalahad niya ang buong katotohanan at ito’y maidudokumento, wala nang dahilan para siya iligpit.
Could it be that Napoles got the jitters when Miriam warned she may be assasinated if she didn’t reveal the whole truth? Dun kasi nag-isip si Napoles at hiniling niya na magkaroon ng executive session (closed door mee-ting). At bakit ka nga naman hihiling nang ganyan kung wala ka namang mahalagang sasabihin?
Napanganga ako habang nakikinig sa interogasyon ni Miriam kay Napoles na sapul nang magsimula ang sesyon ay wala nang sinabi kundi “di ko alam.†Kaya ang payo sa kanya ni Miriam, mag-invoke na lang ng “right to self-incrimination†dahil posibleng kasuhan siya ng perjury o pagsisinungaling kung puro denial at “di ko alam†ang kanyang itutugon. Under oath nga naman siya.
Sana, pinagbigyan na lang ang hiling ni Napoles na closed door session dahil katotohanan ang hanap ng Senado di ba? Wika nga ibigay ang hilig basta magsabi lang ng totoo. Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, “baka may mga senador na natatakot pangalanan ni Napoles kaya inayawan nila ang hirit na executive session.â€
- Latest