^

PSN Opinyon

‘Selective justice’

DOKTORA NG MASA - Se. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

LUMALAWAK ang pagkondena sa umano’y “selective justice” na ipinaiiral ng Malacañang sa isyu ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Pinangunahan nina Department of Justice Secretary Leila de Lima at Commission on Audit Chairman Grace Pulido Tan ang paghahayag ng impormasyon hinggil sa isyu kung saan ay yun lang tungkol sa PDAF ng oposisyon ang kanilang inilalabas at personal pa nila itong inilalako sa media.

Sa pagdinig ng Senado ay paulit-ulit na idiniin ni Pulido Tan ang mga mambabatas ng oposisyon pero ayaw nitong banggitin man lang ang administration allies na naroon din sa kanila umanong “special inves­tigation.”

Sinabi naman kamakailan ni De Lima na ipinakakansela nito ang pasaporte ng mga sangkot sa isyu dahil daw baka “tumakas” ang mga ito patungo sa ibang bansa.

Kung halimbawang ia-assume na may katwiran si  De Lima, ang lohika nito ay dapat din sana niyang ipa-kansela ang pasaporte nina President Noynoy Aquino, Senate President Franklin Drilon, Budget Secretary Butch Abad, Agriculture Secretary Proceso Alcala at iba pa dahil lumulutang din ang pangalan ng mga ito bilang sangkot sa isyu ng PDAF at Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa simula pa lang ay napansin na ang panggigigil    ng administrasyon na dikdikin sa isyung ito at gipitin ang oposisyon, laluna ang mga itinuturing na malala-king personalidad sa 2016 elections.

Tatlong senador ang kanilang pinuntirya at paulit-ulit na binabanggit upang itanim sa isip ng publiko at ma-“demonize.” Ang mga ito ay sina Senador Jinggoy Ejercito Estrada, Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.

Matagal nang lumulutang ang mga pangalan nina Jinggoy at Bong bilang posibleng malalakas na kandidato para sa mas mataas na posisyon sa halalang 2016, habang si Manong Johnny naman ay kilalang malakas sa pag-endorso ng kandidato at pangangasiwa ng kampanya.

Matatandaang kinasuhan din noon ng dating administrasyong Arroyo si Jinggoy. Hindi siya umalis ng bansa para talikuran ang kaso, at hindi rin niya tatalikuran ang isyu ng PDAF. Malinaw naman kasi na ang mga bintang na ito ay pawang “politically-motivated” lang.

Matagal nang lumulutang ang mga pangalan nina Jinggoy at Bong bilang posibleng malala­kas na kandidato para sa mas mataas na po­ sisyon sa halalang 2016, habang si Ma­ nong Johnny naman ay kilalang malakas sa pag-endorso ng kandidato at pangangasiwa ng kampanya.

Matatandaang ki­nasuhan din noon ng dating administrasyong Arroyo si Jing­goy. Hindi siya umalis ng bansa para talikuran ang kaso, at hindi rin niya tata­likuran ang isyu ng PDAF. Malinaw naman kasi na ang mga bintang na ito ay pa­wang “politically-motivated” lang.

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

AUDIT CHAIRMAN GRACE PULIDO TAN

BONG REVILLA

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

JINGGOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with