Nutrisyon para sa Bayan
SA aking nakaraang kolum ay inilahad ko ang ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) na mahigit 842 milyong katao umano sa buong mundo ang “chronically undernourished,†gayundin ang lumabas naman sa 2013 Global Hunger Index (GHI) ng International Food Policy Research Institute (FPRI) na 17 porsiyento ng mga Pilipino ay undernourished.
Ang undernourishment umano ay isa sa mga pangunahing dahilan kaya hindi naaabot nang maraming tao laluna ng mga bata ang kanilang “full human and socio-economic potential.†Sa marami rin umanong pagkakataon ay nagreresulta ito ng pagkakasakit o pagkamatay. Ayon sa FAO, natuklasan noong 2012 na ang problema sa nutrisyon ay sanhi ng pagkamatay ng mahigit 2.5 milyong bata kada taon sa buong daigdig.
Kaugnay nito, isinusulong ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang Senate Bill 1687 (Nutrition and Health Act) para sa komprehensibong pagsasaliksik at information drive hinggil sa kalusugan at sustansiya sa pagkain.
Layon ng panukala na magtatag ng Council on Nutrition and Health na magsasagawa ng sumusunod:
Mag-develop at mag-maintain ng pambansang “database†ng lahat ng mga impormasyon hinggil sa kalusugan at nutrisyon, gayundin sa mga problema sa pagkaka- sakit at pagkamatay sanhi ng undernourishment; at
Isulong ang pagtitiyak ng nutrisyon sa mga produktong pagkain sa pakikipag-ugnayan sa mga food company and distributor at sa iba pang kinauukulang sektor.
* * *
Ang pamilya Estrada ay natutuwa na ang aming kaibigang si Ka Verong Umandap ng Barangay Pio del Pilar sa Makati ay liyamado sa nalalapit na barangay election. Ikinasisiya umano kasi ng mga residente ang serbisyong pangkalinisan at kaayusan na ipinupursige ni Ka Verong, gayundin ang araw-araw niyang paglalakad sa lansangan at personal na pakikipag-ugnayan sa kanila, pati ang kanyang Libreng Karaoke project sa mga nagdiriwang ng kaarawan at iba pang espesyal na okasyon. Balita ko ay mahigit 2,000 residente na ang nakinabang sa nasabing Libreng Karaoke project. Mabuhay ka, Ka Verong Umandap! Hangad namin ang iyong tagumpay sa iyong mga adbokasiya.
- Latest