Nakalistang DENR USec itinatatwa ni Sec. Paje
KINAKAMKAM ba ni Jose Ferrer ang posisyon ng Un-dersecretary of Environment and Natural Resources, tulad ng sabi ni Sec. Ramon Paje? O baka hindi batid ni Paje ang table of organization ng sariling kagawaran?
Sa isang ulat nu’ng Oktubre 2, iginiit ni Paje na wala nang “USec Ferrer†sa Dept. of Environment and Natural Resources. USec umano si Ferrer nu’ng paÂnahon ni President Arroyo, pero tinanggihan daw ng Malacañang nu’ng Hulyo 2010 ang payo niya na i-extend si Ferrer.
Pero sa DENR website nu’ng araw ding ‘yon, nakalista si ‘‘Atty. Jose N. Ferrer Jr.’’ bilang isa sa limang undersecretary. May official phone numbers pa siya. Nu’ng parehong araw may ulat din na kumatawan si ‘‘Undersecretary Ferrer’’ sa DENR sa naunang mining summit sa Surigao. Ani Paje, si Mines & Geosciences Bureau Dir. Leo Jasareno ang pinadala niya sa naturang Caraga Mining Community Symposium. Pero sinabi umano ng organizers kay Jasareno na may mas-mataas nang dumalo para sa DENR; ibig sabihin tinanggap nila ang credentials ni Ferrer.
Nag-iintrigahan sina Paje at Ferrer. Noon pa pinagbubulungan sa DENR na papalitan na si Paje ni Ferrer, na dating kaklase ni President Aquino. Sabi ni Paje nu’ng Okt. 2 na walang balak ang Malacañang na sibakin siya. Nauna nang sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte na wala siyang alam na gan’ung plano. Iwinasiwas ni Paje ang sulat mula kay Deputy ExeÂcutive Sec. Ronaldo Gener na wala na si Ferrer sa DENR noon pang Agosto 2011. Pero nitong Okt. 2 din, nakalista pa si Ferrer sa directory ng Presidential Communications Operations Office, sa ilalim ni Press Sec. Herminio Coloma.
Inis daw si Paje kasi hinukay ni Ferrer ang anomalya sa Philippine Forest Corp. kung saan chairman ang DENR secretary. Pinadaan umano ni Paje sa PhilForest ang P471-milyong plunder ng congressional pork barrel. At ‘yon daw ang isa sa maraming dahilan kung bakit pinag-iisipan umano ni Aquino na sibakin siya.
Inis daw si Paje kasi hinukay ni Ferrer ang anomalya sa Philippine Forest Corp. kung saan chairman ang DENR secretary. Pinadaan umano ni Paje sa PhilForest ang P471-milyong plunder ng congressional pork barrel.
At ‘yon daw ang isa sa maraming dahilan kung bakit pinag-iisipan umano ni Aquino na sibakin siya.
- Latest