^

PSN Opinyon

Integrated Terminal

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NATALAKAY na natin ang reklamo ng mga commuters mula sa Cavite at Batangas laban sa itinayong centra-lized terminal ng Metro Manila Development Authority MMDA sa UNIWIDE  complex na anila’y lubhang magastos porke dumodoble ang kanilang pamasahe.

 Paliwanag ni MMDA Chair Francis Tolentino tinututukan nila ang dalawang petisyon para ibaba ang singil sa pasahe ng mga bus na biyaheng Batangas at Cavite sa Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Kapag naaprobahan, malaking kaluwagan iyan sa mga commuters. Dapat naman talagang magbawas sa pasahe dahil nabawasan din ang distansyang nila-lakbay ng mga passenger buses.

Makatutulong din ito upang matanggap ng madla ang mga reporma sa sistema ng transportasyon na ipinatutupad sa pamamagitan ng Southwest Integrated Provincial Transport Terminal (SWIPTT).

Kapansin-pansin na unti-unti nang humuhupa ang mga reklamo.Palibhasa’y kalituhan ang sumalubong sa mga unang araw ng implementasyon ng proyekto. Sana nga ay nakikita na ng mga mananakay ang bentahe ng programang ito. Noon kasi, kung saan-saang panig ng Taft, Roxas Blvd. at iba pang lugar bumababa at nag-aabang ng masasakyan ang publiko. Ngayon, ayon kay Chairman, mayroon nang maayos at ligtas na lugar at sinasakyan pauwi mula sa opisina o eskwela.

 Naglaan na rin daw ang MMDA ng isang sulok sa terminal para sa mga AUV at mga dyipni na masasak-yan nila papuntang Maynila o Mall of Asia.

 Naibigay na rin ang hinihiling ng mga mananakay na  sementadong walkway na may bubong hanggang sa footbridge, at malinaw na directional signs. Naglagay din para sa mga pasahero ng well-lighted waiting area na may food kiosks, telebisyon, komportableng mga upuan at malinis na CR.

Higit na mahalaga, nag-deploy rin ng mga unipormadong tauhan at porters na tutulong sa may mga dalang mabibigat na bagahe. Upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat, naglagay din ang MMDA ng mga traffic enforcers at security personnel.

 Sa panig naman ng mga bus operators, di na rin kailangang makipagkarera at makipag-agawan ng pasahero ang kanilang mga bus kaya mas naiiwasan na rin ang aksidente. Ligtas na rin ang mga drayber sa mga kotong cops na nanghuhuli dahil sa pagpick-up ng pasahero sa mga bawal na lugar.

 

BATANGAS

CAVITE

CHAIR FRANCIS TOLENTINO

MALL OF ASIA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROXAS BLVD

SOUTHWEST INTEGRATED PROVINCIAL TRANSPORT TERMINAL

TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with