MNLF cest Misuari
NANG minsan ay may nagtanong kay General Charles de Gaule ang Presidente noon ng France kung ano ba ang France? Ang agarang sagot niya ay “France cest moi†na ang ibig sabihin ay “France is meâ€. Kaya kapag may nagtanong kung ano ang MNLF, ang agarang sagot d’yan ay: Ang MNLF ay si Nur Misuari. Nakalulungkot na parang hindi ito alam ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles. Madalas sinasabi ni Deles sa kanyang mga media interview ngayon sa kasagsagan ng madugong pag-aalburuto ng MNLF sa Zamboanga City na hindi naman raw niya initsapwera si Misuari sa peace negotiation. Oh common. I have been monitoring Deles’ handling of the peace process, at ni minsan hindi ko nabalitaan na nakipagkita siya personal o nakipag one-on-one siya kay Misuari. Nabalitaan ko sa tri-media na naiharap ni Deles ang mga lider ng MILF kay P-Noy sa Tokyo pa noong nakaraang taon at government expense. Nagawa ba ni Deles ‘yan kay Misuari, kahit sa Quiapo na lang, ‘wag na sa Tokyo, para walang gastos sa gobyerno.
Ang payo ko kay Deles, go back to basics. Read the ancient book of Dale Carnegie entitled: “How to win friends and influence people.†Ang sinasabi ni Carnegie, just give a person importance no matter how lowly or lofty his position may be in society, and you will find it easy to have your way with him. Si Misuari ay isang importanteng Pilipino sa Middle East. Ang mga royalties at mga big businessmen doon ay hindi nag-aatubiling mag-donate ng pera sa kanya “in the name of Muslim brotherhood and in propagation of the Muslim Faithâ€. Hindi siya tinatanong kung saan ba talaga niya tunay na gagamitin ang milyon-milyong dirhams at riyals na binibigay sa kanya. Kung ako kay P-Noy, palitan na niya si Deles.
- Latest
- Trending