^

PSN Opinyon

‘Bigas, bigas’ bakit ka nagmahal

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGSAING este mali naghain pala ng resolution sa Kamara si ABAKADA-Guro partylist Rep. Jonathan dela Cruz para bulatlatin ang sinasabing kakulangan ng rice sa Philippines my Philippines at ang pagbulusok pataas ng price nito sa merkado.

Naku ha!

Mukhang that incredible.

Hindi biro ang nangyayari ngayon sa Philippines my Philippines, isa-isa kasing naglalabasan ang bantot ngayon sa gobierno kaya naman marami ang naawa kay P. Noy dahil pilit nitong itinutuwid ang daan para gumanda ang takbo ng ekonomiya at matigil ang kurap­syon pero mukhang hindi mapigil ang iba talagang mga ogag.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lalo pang tumindi ani Dela Cruz, ang pangangailangan na isagawa ang imbestigasyon matapos lumabas noong isang linggo ang isang exposé na ang pinakahu­ling importasyon ng NFA ng 205,700 metriko tonelada (MT) ng bigas ay “overpriced” o may iligal na patong na nagkakahalaga ng P457 million.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tirada ni Dela Cruz, ang NFA ay maraming dapat ipaliwanag hindi lamang sa gagawin nilang pagkalkal dito kundi para bigyan linaw ang nangyayari sa madlang people.

Birada ni Dela Cruz, ayon sa datos ang ikinanta ng NFA ay nag-import sila ng 187,000 MT, samantalang lumalabas na bukod sa nasabing dami ay nagpapasok pa rin pala ang NFA ng karagdagang 18,700MT ng walang kaukulang pahintulot o “prior approval” mula sa DoF.

Sinabi ni Dela Cruz, ang pinag-uusapan natin ay una nang ibinulgar nina Atty. Argee Guevarra last week. Ang pagbubulgar ay sinundan din ng grupong “Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative” sa pangunguna  ng kanilang lider paroko este mali lider lang pala na si Atty. Tonike Padilla.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, punung-puno ng bala si Dela Cruz para busisiin ang mga sinasabing anomalyang nangyayari sa DA at NFA regarding sa ‘bigas’ kaya kailangan silang magpaliwanag sa Kamara.

Abangan.

Reynald Lim, hiding dahil bagong opera

HINDI muna lulutang sa mga authority ang wanted na utol ni Janet Lim Napoles, na si Reynald dahil bagong opera ito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masyadong kontrobersyal ang dalawang mag-utol nang ikanta sila ng mga dati nitong mga galamay regarding sa P10 billion ‘pork barrel’ anomaly kaya naman dahil dito nagkahetot-hetot at lumaki ang isyu dahil may mga mambabatas ang ikinakabit sa kuwento.

Ang mag-utol ay inisyuhan ng arrest warrant ng korte at no bail recommended dahil sa case problem na illegal detention at hindi sa ‘pork barrel’ scam isyu.

Kambiyo isyu, ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ‘by - pass’ si Reynald sa isang ospital kaya hindi muna ito lumalabas sa kanyang lungga?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang problema kasi kapag lumabas ito para sumuko at may nararamdaman pa itong problema sa kanyang kalusugan saan at paano siya ilalagay sa kulungan.  Magkakaroon naman ng napakalaking isyu kung ‘under hospital arrest’ ang gagawin dito dahil siguradong puputok ang butse ng madlang people oras na ginawa ito.

Sabi nga, sala sa init, sali sa lamig!

Abangan.

Junior Tolentino sa BOC

MGA mamahaling imported na alak pala galing aboard este mali abroad ang isa lamang sa shipment na epektos ni alyas Junior Tolentino na dehins ibinabayad ng maayos sa Bureau of Customs.

Sabi nga, misdeclared pa!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming shipment ang pumapasok sa aduana na inilalabas ni alyas Junior Tolentino kakutsaba ang mga bugok dyan sa bureau.

Ika nga, kapalit pera!

Siguro dapat tiktikan ng mga tauhan ni CIIS director Ricky Rebong ang shipment ni alyas Junior Tolentino para hulihin hindi lang ang epektos nito kundi ikulong ang kamote sa kasong ‘economic saboteur.’

Abangan.

 

ABANGAN

ANG GAWAD PINOY CONSUMERS COOPERATIVE

ARGEE GUEVARRA

DELA CRUZ

JUNIOR TOLENTINO

NAKU

SABI

TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->