Asian Entertainment Network, sinilat
DAPAT sampahan ng matinding kaso ang management ng Asian Entertainment Network sa lungga nila sa Roxas Boulevard dyan sa may Baclaran dahil hindi birong mga bebot sa kanilang club ang nasungkit ng pinagsama-samang puersa ng NBI Anti-Human Trafficking Division, IACAT, DOLE at DSWD dahil may mga menor de edad ang nahuli dito habang kinakalantare ng mga customer nilang manyakis.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal ng nangyayari ang kabalastugan sa Asian Entertaiment Network pero hindi ito binibigyan ng aksyon ng pulisya sa hindi malaman dahilan kaya naman nagpapatuloy ang mga hubaran, sibakan blues sa nasabing casa este mali club pala.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Kenji at NAISALBA sa human trafficking activities ang may 89 na kababaihan na kinabibilangan ng 6 na menor de edad sa isinagawang pagsalakay ng mga authorities.
Ang nasabing operasyon ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng International Justice Mission sa NBI Anti-Human Trafficking Division.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natanggap ng information from the said organization na may trafficking activities sa Asian Entertainment Network.
Isinagawa ang pagsalakay nitong nakalipas na Hulyo 27, at nadakip din ang may 23 katao na pawang naÂngaÂngasiwa ng nasabing club kabilang na ang officer in charge nito na si Isagani Bordamonte, binitbit din ang personnel ng club na sina Shiela Varga, Maribel Custodio, Danilo Tan, Helen Mendoza, Julie Chavez, Ofelia Yupano, Jose Tan, Josephine Dulu, Sheryl Beltran, Erlinda Roxas, Miguel Villar, Maricel Bermoy, Merie Angeles, Felicidad Roxas, Christopher Godinez, Leah de Leon, Emerita Pargas, Mercy Reblando, Rowena Santos, Josie Mendez, Ella Marquez at Lolita Sanchez.
Hindi naman nakuha ang isang Delfin Lim at isang alyas “Kenji†na sinasabing may-ari raw ng club, dahil wala naman ito roon nang isagawa ang raid.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsagawa muna ng series of surveillance sa club at nakumpima nila na ang mga babaeng guest relation officer na ang ilan ay menor de edad pa ay pinagsasayaw ang hubad at ibinubugaw sa mga customer para sa panandaliang aliw.
Nang matiyak na ang ikakasang operasyon, isinama ng NBI ang mga katawan este mali kinatawan pala ng Department of Labor and Employment (DOLE), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinampahan na rin ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act , Child Abuse at paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa immoral doctrines sa DOJ ang mga nailigtas namang minor age na bebot babae ay Dinala sa DSWD.
Korean gov’t saludo kay CPNP Purisima
NATUTUWA ang Korean government sa ginawang pagbuwag ng tinaguriang Korean mafia na nagsasagawa ng mga kagaguhan sa Philippines my Philippines tulad ng pananakot, panggigipit at pangingidnap ng mga Korean nationals.
Sabi nga, huli sila!
Tinutukan ni CPNP Allan Purisima ang kapulisan kaya naman sunod-sunod ang pagkaka-sungkit nila sa isang top ranking Abu Sayaff na may P5 million patong sa ulo, isang manyakis na may 8 counts na rape, mga carnapper, holÂdaper echetera.
Kaya naman dahil sa mga accmplishment ng kapulisan ay masaya ang madlang public sa kanil.
Abangan.
- Latest