^

PSN Opinyon

PNP most corrupt

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALUNGKOT na balita ito para sa mga kagawad ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa huling survey ng Global Corruption Barometer ng Transparency International,  ang Philippine National Police and nangunguna sa hanay ng mga pinakatiwaling ahensya ng gobyerno.

Anang survey, 69% ng mga taong tinanong ang nagsabi na ang pinaka-corrupt na ahensya ng pamahalaan ay ang PNP. Labingsiyam na porsyento sa kanila ay may personal na karanasang nagbigay ng suhol sa mga pulis sa nakalipas na 12 buwan.

Sasabihin siguro ng iba na survey lang iyan at ang mga tinanong ay iilan lang sa mga kumakatawan sa cross-section ng lipunan. Pero ano man ang sabihin, may scientific process na sinusunod sa pagpulso ng  sentimiyento ng taumbayan.  Kung hindi man eksakto, halos tumutumbok ito sa katotohanan ang resulta.

Hindi na natin idedetalye ang resulta ng survey at tututok lang tayo sa kapulisan.  Nakakabahala lang na ang institusyong dapat sinasandalan ng taumbayan sa mga problemang pang-seguridad ang siya pang itinuturing na pinaka-corrupt.

Kinikilala natin ang pagsisikap ng pamahalaan na linisin ang lahat ng sangay nito sa korapsyon. Ang problema ay nananatili ang perception ng taumbayan na bigo ang pamahalaan sa ganyang gawain nito. Yung gawa ng iilang bugok na mangongotong ay tumatakip sa magandang ginagawa ng mga tapat sa kanilang tungkulin na nagsasauli sa mga mahahalagang bagay na napupulot nila sa mga may-ari.

Bagamat walang kuwestyon sa integridad ng Pangu­long Noynoy, marami ang naniniwala na bigo ang Pangulo sa pagsugpo ng graft and corruption sa bansa. Kaya umaasa tayo na sa kanyang State of the Nation Address ay maghahayag siya ng mga kapanipaniwalang patakarang ipatutupad sa tulong ng Kongreso upang magkaroon ng ganap na reporma sa pamahalaan. Re­pormang magbibigay ng kasiyahan hindi sa iilang maya­yamang negosyante kundi repormang puwedeng ma-appreciate  ng pinakamaliit sa ating mga kababayan. Kung ako ang tatanungin, umaasa ako na bibigyang prayoridad ng Pangulo ang panukalang batas sa Freedom of Information (FOI) para magkaroon ng ibayong transparency sa pamahalaan na siyang puputol sa talamak na korapsyon sa lahat ng sangay ng gobyerno.

 

ANANG

AYON

FREEDOM OF INFORMATION

GLOBAL CORRUPTION BAROMETER

PANGULO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

STATE OF THE NATION ADDRESS

TRANSPARENCY INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with