Information drive sa Batas Kasambahay
IKINUWENTO sa akin ni Acting Senate President Jinggoy Ejercito Estrada na iba’t ibang porma ng information campaign sa Batas Kasambahay ang inilulunsad sa maraming panig ng bansa.
Isa rito ay ang serye ng Barangay Empowerment Training (BET) na isinasagawa ng Department of Labor and Employment (DoLE). Ang BET umano ay bagong information and interaction drive ng kagawaran upang ipabatid sa mga barangay bilang basic political units ang mga usapin hinggil sa patrabaho at livelihood, gayundin ang mga kaukulang batas na sumasaklaw dito.
Ngayong taon, nagtakda ng serye ng BET na ang mga pangunahing paksa ng talakayan ay ang mga programa at proyekto ng DoLE para sa trabaho at livelihood, tamang proseso ng pag-a-apply sa trabaho laluna sa ibayong dagat gayundin ang pag-iwas at paglaban sa illegal recruitment, basic labor rights and laws, child labor issues at ang bagong Batas Kasambahay.
Mayroon nang BET sessions sa buong Bicol region mula Hunyo hanggang Agosto partikular sa mga sentrong lugar sa Camarines Sur, Albay, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate at Catanduanes. Target umanong mapalahok sa BET sessions ang mga opisyal ng kabuuang 3,482 barangays sa buong Bicol sa pangunguna ng mga Barangay Chairman, Sangguniang Kabataan (SK) Chairman, Barangay Kagawads, Barangay Secretary at iba pang bumubuo ng lokal na pamunuan.
Katuwang sa aktibidad ang Bicol Information Research and Development Center (BIRDC) at Public Employment Services Office (PESO) at mga Liga ng Barangay sa buong rehiyon. Sinabi ng DoLE na isinabay sa BET ang oryentasyon at talakayan tungkol sa Batas Kasambahay dahil may malaking responsibilidad ang barangay officials sa pagtitiyak ng maayos na pagpapatupad nito. Plano umanong isaÂgawa ang information and interaction drive sa lahat ng barangay sa bansa.
Ang Batas Kasambahay ay iniakda at ipinurÂsige ni Jinggoy. Aniya, positibong hakbangin ang inilunsad na ito ng DoLE upang direktang maipaabot sa mismong mga komunidad ang mahahalagang kaalaman hinggil sa naturang batas.
- Latest