Hindi tayo titiklop
SA harap nang lumalalang hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, ang talumpati ni President Aquino noong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na “hindi tayo titiklop sa anumang hamon†ay talaga namang naghatid ng kinakailangang hinahon sa mga Pilipinong nauubusan na ng pasensya.
Matagal na rin napapag-usapan ng mga estado kung sino ang may soberanya sa mga isla ng Scarborough o Masinloc. Subalit tila ngayon lang talagang pumutok nang husto ang isyu at humantong ang usapan sa aktuwal na “girianâ€.
Hindi na pwede ang tulad ng dating hindi pinapansin ang isyu dahil mismong ang ating mga katunggali ang nagdadala ng kontrobersya sa madla. Maitatatwa ba na ang diskriminasyong pinadarama ngayon sa ating mga OFW sa Hong Kong, Tsina at Taiwan ay hindi konektado sa isyu ng soberanyang pinagtatalunan? Kahit pa ang Hong Kong ay matagal nang kumukulo dahil sa nangyari sa Luneta hostage mess at ang Taiwan nama’y may mitsa rin sa katauhan ng sibilyang mangingisda na napatay ng ating Coast Guard, ang poot na kanilang pinalalabas ngayon ay may ugat din sa kanilang paniwala na tayo’y pumi-picture sa kanilang “paghahari†sa propriyedad na pinaniniwalaang pag-aari nila.
Masdan na lang ang nangyari sa ating national team sa basketball at football. Sa Jones Cup na isang sporting competition kung saan ang mga prinisipyo ng fair play ang pinaiiral at ipinagbabawal ang anumang uri ng pulitika, binawi ng Taiwan ang imbitasyon sa ating basketball team. Sa Hong Kong naman na host ng isa pang kumpetisyon sa pagitan ng RP (Azkals) at HK football teams, hindi pinatawad ng mga audience ang mga players sa field at maging ang kaunting mga Pinoy fans na nandoon ay nabastos din.
Sa araw-araw na magbasa ng news, makikitang may nagaganap na insidente kung saan kalaban ng mga Intsik ang mamamayan ng iba ring bansa. Subalit hindi mo makikita sa iba ang pambu-bully na ginagawa sa ating mga Pinoy nitong mga nakaraang panahon.
Walang nabu-bully kung walang nagpapa-bully. Ilang henerasyon na nating napapangatawanan ang ating dangal na kahit tayo’y maliit na bansa’y hindi tayo basta naaapakan ng iba. Sa nangyayari ngayon, ang bagong henerasyon ay mamumulat sa katotohanang tayo’y sinisindak ng ating mga kapitbansang Intsik na malinaw na dinadaan sa lakas ang pagresolba ng isyu. Salamat sa talumpati ni P-Noy at kahit papaano ay naisalba ng kaunti ang ating dangal.
- Latest